Fair daw siyang ina… ELLEN, PAYAG BITBITIN NI JOHN LLOYD ANG ANAK NILA SA IBANG BANSA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | December 13, 2022

Gumastos pala nang milyones si Ellen Adarna para sa regalo niya kay Derek Ramsay.
Ibinahagi ng mag-asawang Ellen at Derek ang tungkol sa kanilang bakasyon kamakailan sa South America. Ito ang regalo ni Ellen sa kanyang mister para sa kanilang 1st wedding anniversary dahil isa iyon sa mga nasa bucket list ni Derek.
Sa panayam kamakailan sa mag-asawa, naibahagi ni Derek na umabot umano sa 7 digits ang ginastos ni Ellen sa pamasahe pa lang nila. Ikinuwento nila ang kanilang naging karanasan sa pamamasyal sa Peru at Bolivia.
Ayon kay Ellen, halos lahat ng bagay ay meron na si Derek kaya ang naisip niyang iregalo ay ang makakapagpasaya sa asawa at 'yun nga ay ang makapunta sa Machu Picchu sa Peru.

Samantala, payag ipahiram ni Ellen ang anak na si Elias nang matagal sa amang si John Lloyd Cruz.
“Yes, I am always fair,” aniya.
Willing din daw siyang payagan ang anak na isama ni John Lloyd Cruz sa international vacation.
“For Elias to have a good relationship with both parties.”





Comments