Facebook screenshots, bilang ebidensya sa korte
- BULGAR
- Jun 18
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 18, 2025

Dear Chief Acosta,
Nalaman ko na ang ilan sa mga katrabaho ko ay naninira at nagpapalaganap ng malalaswang komento tungkol sa akin sa kanilang group chat. Isa sa mga kaibigan ko na miyembro ng group chat na iyon ang nagpadala sa akin ng mga screenshots ng kanilang pag-uusap. Hinarap ko sila at sinabi kong magsasampa ako ng kaso laban sa kanila. Sinabi nila na ituloy ko lang dahil ayon sa kanila, diumano ay hindi tatanggapin sa korte ang mga screenshots dahil paglabag umano ito sa kanilang right to privacy. Tinatanggap ba sa korte ang mga screenshots na hawak ko? Labag ba sa kanilang right to privacy ang mga screenshots na ito? Nais ko sanang maliwanagan. Maraming salamat. — Genevive
Dear Genevive,
Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, naging mas laganap ang paggamit ng elektroniko at digital na paraan ng komunikasyon at sa pangkalahatang pamumuhay ng mga Pilipino. Dahil dito, ang ating Hudikatura ay gumawa ng mga palatuntunang naaangkop sa pagbabagong ito. Ang A.M. No. 01-7-01-SC, na may petsang 17 Hulyo 2001 at tinatawag na Rules on Electronic Evidence, ay naglalaman ng mga probisyon na nagsasabing maaaring tanggapin bilang ebidensya ang mga elektronikong dokumento. Ayon sa Seksyon 1(h), Rule 2, ang “electronic document” ay:
“(h) ‘Electronic document’ refers to information or the representation of information, data, figures, symbols or other modes of written expression, described or however represented, by which a right is established or an obligation extinguished, or by which a fact may be proved and affirmed, which is received, recorded, transmitted, stored, processed, retrieved or produced electronically. It includes digitally signed documents and any print-out or output, readable by sight or other means, which accurately reflects the electronic data message or electronic document. For purposes of these Rules, the term ‘electronic document’ may be used interchangeably with ‘electronic data message.’”
Ayon sa nabanggit na batas, ang mga screenshots mula sa group chat ay maituturing na electronic document. Katulad nito, ang isang electronic document na inihain bilang ebidensya ay maaaring tanggapin sa korte kung ito ay pumasa sa mga kuwalipikasyon ng nasabing tuntunin.
Samantala, sa kaso ng Cadajas vs. People of the Philippines (G.R. No. 247348, 16 November 2021), ipinahayag ng Korte Suprema, sa pamamagitan ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Jhosep Y. Lopez, na ang right to privacy ay maaaring gamitin laban sa pamahalaan lamang, at hindi laban sa mga pribadong indibidwal na nakakuha ng ebidensya sa kanilang pribadong kapasidad. Ayon dito:
“Under the 1987 Constitution, the right to privacy is expressly recognized under Article III, Sec. 3 thereof, which reads:
SECTION 3. (1) The privacy of communication and correspondence shall be inviolable except upon lawful order of the court, or when public safety or order requires otherwise as prescribed by law.
(2) Any evidence obtained in violation of this or the preceding section shall be inadmissible for any purpose in any proceeding.
While the above provision highlights the importance of the right to privacy and its consequent effect on the rules on admissibility of evidence, one must not lose sight of the fact that the Bill of Rights was intended to protect private individuals against government intrusions. Hence, its provisions are not applicable between and amongst private individuals.”
Upang sagutin ang iyong katanungan, ang mga ibinahaging screenshots ng iyong kaibigan ay itinuturing na electronic documents at maaaring tanggapin sa korte kung ang mga ito ay sumusunod sa mga patakaran ng pagiging admissible o katanggap-tanggap at kung ito ay ma-authenticate ayon sa mga itinakdang alituntunin ng Rules of Court at mga kaugnay na batas.
Bukod dito, ang right to privacy ay hindi maaaring gamitin bilang depensa ng mga miyembro ng group chat dahil ang probisyon sa Bill of Rights ay maaari lamang ipatupad laban sa panghihimasok ng pamahalaan at hindi laban sa mga pribadong indibidwal. Ayon sa nabanggit na desisyon:
“In this case, the photographs and conversations in the Facebook Messenger account that were obtained and used as evidence against petitioner, which he considers as fruit of the poisonous tree, were not obtained through the efforts of the police officers or any agent of the State. Rather, these were obtained by a private individual. Indeed, the rule governing the admissibility of an evidence under Article III of the Constitution must affect only those pieces of evidence obtained by the State through its agents. It is these individuals who can flex government muscles and use government resources for a possible abuse. However, where private individuals are involved, for which their relationship is governed by the New Civil Code, the admissibility of an evidence cannot be determined by the provisions of the Bill of Rights.”
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments