top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Face-to-face classes, ‘wag ipilit kung ‘di kakayanin; kaligtasan ng mag-aaral, ‘wag isugal!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2020
  • 1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 1, 2020


Kasabay ng patuloy ang pagluluwag ng quarantine protocols, tuloy din ang panawagan na payagan na ang face-to-face classes.


Agad namang kinontra ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang panawagan dahil sakaling payagan nang bumalik sa paaralan ang mga bata habang may pandemya at nauwi sa hawaan, hindi aniya mananagot ang mga taong nananawagan.


Aniya, hindi dapat madaliin ang muling pagkakaroon ng face-to-face classes dahil wala pang bakuna at araw-araw, marami pa ring Pinoy ang nagpopositibo sa COVID-19.


Sa totoo lang, may punto naman ang kalihim dahil oras na pabalikin sa eskuwelahan ang milyun-milyong mag-aaral, ‘di na kontrolado ng mga magulang ang galaw ng mga bata.


At kapag nagkahawaan, panibagong problema na naman.


Tanggapin natin na hindi pa talaga kayang kontrolin ang sitwasyon, at kaya lang niluluwagan ang quarantine ay upang gumalaw ang ekonomiya. ‘Wag nating hayaan na malagay sa alanganin ang kalusugan ng mga mag-aaral dahil lang sa kagustuhan nating maibalik sa dati ang set-up.


Habang naghihintay na magkaroon ng bakuna, magpokus muna tayo kung paano magiging mas epektibo ang distance learning. Kumbaga, tutukan muna ang tunay na problema.


Kapag may bakuna na kontra COVID-19, maghintay tayong bumuti ang sitwasyon saka pag-aralan kung kakayanin na talagang pabalikin ang mga mag-aaral sa iskul.


‘Ika nga, tiis-tiis muna dahil para naman ito sa kabataan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page