top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Face-to-face classes sa mas maraming paaralan sa 2022, pinag-aaralan

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 10, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | December 10, 2021



Naging maayos ang nakalipas na dalawang linggo ng pilot run ng limited face-to-face classes sa mga low-risk areas.


Unti-unti nang nakapag-adjust ang mga mag-aaral at guro, gayundin, masaya ang mga magulang.


Wala pa ring naitatalang hawahan ng COVID-19, bagay na hiling nating magpatuloy sa susunod pang mga linggo.


Kaugnay nito, ikinukonsidera na ng Department of Education (DepEd) na palawigin pa sa susunod na taon ang limitadong face-to-face classes kung magpapatuloy ang magandang sitwasyon sa bansa.


Ayon pa sa ahensiya, inaasahan nilang magsusumite ng ulat ang mga paaralan na kabilang sa mga unang nagbukas para sa limited face-to-face classes. At sa nakalipas na mga linggo, wala pa silang natatanggap na ulat na may nahawa ng COVID-19 sa mga nagbukas na eskuwelahan.


Kung mas maraming paaralan ang makapagbubukas sa susunod na taon, mas maganda dahil ibig sabihin, mas maraming mag-aaral ang makakabalik sa eksuwela


‘Yun nga lang, dapat matiyak na mananatiling ligtas ang mga mag-aaral at guro sa lahat ng pagkakataon.


Bagama’t magandang balita na wala pang naitatalang hawahan mula nang simulan ang pilot run, ang tanong, masyado pa bang maaga para ikonsidera ang pagbubukas ng mas marami pang paaralan o dapat pang bantayan ang sitwasyon sa mga paaralang kasali sa pilot run?


Marahil, ito naman ang layunin ng pilot run — ang makita ang mga posibleng hadlang at malaman kung kakayanin nang dagdagan pa ang mga eskuwelahang magbubukas.


Kaya pakiusap sa mga kinauukulan, araling maigi ang sitwasyon at ‘pag may nakitang aberya, tugunan agad.


‘Ika nga, walang masama sa pagiging maingat, lalo pa’t para ito sa kaligtasan ng mga estudyante at guro dahil wala tayong ibang hangad kundi ang ligtas na pagbabalik-eskuwela sa gitna ng pandemya.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page