EYEBAGS AT MALAKING ULO NI SHARON, BAGONG INOKRAY NG MADLANG PIPOL
- BULGAR
- Jun 30, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 30, 2023

Proud na ifinlex ni Sharon Cuneta sa kanyang social media at mga followers ang pagsusuot niya ng skinny jeans.
Caption ng Megastar: “OOTD! Ni-request ninyo!! (Hubbs @johnestrada__!!! First skinny jeans ko! Ayan na, last year mo pa gusto na suotin ko. Mishu, hubbs!!”
Kahit na happy si Megastar na sa wakas ay kaya na niyang magsuot ng skinny jeans, hindi naman feel ng ilang netizens ang paandar nito.
“Ano ba talaga ang gusto niyang patunayan?” tanong ng isa, na may sumagot ng, “Na malaki ang ulo ni Sharon para sa katawan niya.”
Siyempre, mabilis na ipinagtanggol si Sharon ng kanyang mga fans and supporters.
“Ang pait naman ng comment, eh. Hindi puwedeng proud siya na this time she's able to wear clothes na hindi niya nasusuot noon? You do you, gurl! Maging masaya sa small & big wins ng iba, okie?”

“Hindi naman siya nakahubad, ‘no! Maybe proud lang siya na nabawasan siya ng weight.
Remember matagal na niyang plan ‘yan since Biggest Loser show pa lang.”
“Iba na ang mukha ni Sharon. She really looks like her dad. I saw a picture of her dad during the 1960s.”
“Decades ago, I saw her in one celebrity Santacruzan. Maikli pa buhok niya noon at may konting uban na. Medyo malaki nga ang head niya in proportion sa body niya and she had eyebags like her father Pablo. But she is pretty and for me, magandang feature niya is her lips.”
May mga nakapansin at marami na rin ang nagsasabi na, “She looks like Karen Davila.”







Comments