top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Eye In The Sky, wagi sa 3-YO Maiden Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 25, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | October 25, 2023


Nakipag-ubusan ng lakas sa unahan si Eye In The Sky upang sikwatin ang panalo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Linggo ng hapon.


Kumaripas sa unahan si Eye In The Sky paglabas ng aparato pero kinapitan agad siya ng matulin na si Princess Tycoon.


Bakbakan sina Eye In The Sky at Princess Tycoon sa unahan hanggang sa kalagitnaan ng karera habang ang ibang kasali ay pilit na makadikit sa dalawa.


Subalit noong magbadyang lumayo si Eye In The Sky ay kinapitan siya bigla ni Grandi Moments at saka inagaw ang unahan bandang far turn.


Pero hindi naman nasira ang diskarte ng hineteng si Conrad Henson, pinitik nito ng latigo si Eye In The Sky upang makuha muli ang unahan pagsungaw ng rektahan.


Sa huling 150 metro ng karera ay umungos na lalo si Eye In The Sky at nanalo ito ng may apat na kabayo ang agwat sa pumangalawang si Grandi Moments.


Inirehistro ni Eye In The Sky ang tiyempong 1:27.8 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ang P20,000 added prize ng winning horse owner na si BV Tecson. Ang nasabing karera ay suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page