Explanation ng DOH sa namatay na health worker, napakagulo!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 19, 2021
DAMING NAMATAY AT NAGHIHIKAHOS ANG PAMUMUHAY DAHIL SA COVID-19 PERO TULOY PA RIN ANG PAMUMULITIKA NG MGA TRAPO AT DDS—Isang araw matapos sabihin ni P-Duterte na maliit na bagay lang ang pananalasa ng COVID-19 sa bansa, umarangkada na naman ang panawagan ng mga trapo at DDS na “Pres. Duterte for Vice-President” at “Run Sara Run” for President.
‘Yan ang malungkot na nangyayari ngayon sa Pilipinas, na sa panahong maraming tinatamaan, namamatay sa virus at naghihikahos ang pamumuhay dulot ng krisis na dala ng COVID-19 ay pamumulitika ang inaatupag ng mga trapo at DDS, mga pwe!
◘◘◘
ANG GULO NG EXPLANATION NG DOH SA HEALTH WORKER NA NABAKUNAHAN NA, PERO NAMATAY PA RIN SA COVID-19—Isang health worker na nabakunahan ng Sinovac ang namatay, pero ang depensa ng Department of Health ay hindi raw sa pagbakuna ito namatay, kundi sa COVID-19.
Dapat ayusin ng DOH ang explanation nila sa isyung ito kasi ang pagkamatay ng health worker na ‘yan ay nakadagdag ng takot sa publiko na maaaring magdulot para tumangging magpabakuna. Period!
◘◘◘
SANA, HINDI BOLADAS ANG SINABI NI GALVEZ NA BETTER NA ANG PAMUMUHAY NG MGA PINOY SA DECEMBER 2021—Sabi ni Vaccine Czar ret. Gen. Carlito Galvez ay sa December 2021 daw o sa panahon ng Kapaskuhan ay “better” o mabuti na raw ang pamumuhay ng mga Pinoy.
Sana, magkatotoo ang sinabing ‘yan ni Galvez kasi kung hindi ay lalabas na tulad siya ni P-Duterte na binoboladas ang mga Pilipino sa gitna ng pandemya.
Ganyan din kasi ang sinabi ni P-Duterte noong July 2020 na pagsapit daw ng December 2020 ay back to normal na pamumuhay ng mga Pinoy, pero Marso 2021 na, patuloy pa rin nananalasa sa bansa ang COVID-19, boom!





Comments