top of page

Exempted ang family home sa pambayad ng utang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 28, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 28, 2023



Dear Chief Acosta,


Noong taong 2017, nagkaroon ako ng utang at ito ay hindi ko nabayaran. Dahil dito, idinemanda ako ng aking pinagkautangan, at kalaunan ay nagdesisyon ang hukuman na kung saan, ako ay inutusang magbayad ng halagang P200,000.00. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito kayang bayaran kaya naman ang aming tinitirhan na family home mula pa taong 1995 ay nakasama sa mga ari-arian na na-levy. Maaari ba na ma-levy at maibenta ang aming family home upang maibayad sa aking utang? - Chris


Dear Chris,


Ang batas na nasasaklaw patungkol sa iyong katanungan ay ang Executive Order No. 209, S. 1987 o mas kilala bilang The Family Code of the Philippines. Nakasaad sa Article 155 nito na:


“ARTICLE 155. The family home shall be exempt from execution, forced sale or attachment except:

1. For nonpayment of taxes;

2. For debts incurred prior to the constitution of the family home;

3. For debts secured by mortgages on the premises before or after such constitution;

4. For debts due to laborers, mechanics, architects, builders, materialmen and others who have rendered service or furnished material for the construction of the building.”


Alinsunod sa nabanggit na probisyon, ang isang family home ay hindi maaaring isailalim sa levy, execution o forced sale, maliban na lamang sa mga pagkakataong nakasaad sa batas. Sa kadahilanang ang iyong kalagayan ay hindi isa sa mga sitwasyong nabanggit sa batas na kung saan ang family home ay maaaring isailalim sa execution proceedings.


Malinaw na ang iyong family home ay hindi maaaring isailalim sa levy at kalaunan ay ipagbili upang mabayaran ang iyong utang. Exempted ito sa paniningil na gagawin ng korte para ipatupad ang desisyon nito ukol sa iyong hindi nabayarang utang.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page