Excited na raw makita ang future inaanak… MARIAN, NINANG NG BABY NINA JENNYLYN AT DENNIS
ni Nitz Miralles - @Bida | March 4, 2022

Nasa 30th week na ng kanyang pagbubuntis si Jennylyn Mercado at sa latest post nito na nagsu-swimming, kahit walang make-up, ang pretty pa rin ng misis ni Dennis Trillo.
Sabi nito, “30th week swimming with my girl.”
Pinusuan ng mga kaibigan ang photo na ‘yun ni Jennylyn kabilang sina Angel Locsin, Yasmien Kurdi, Chynna Ortaleza, Chariz Solomon, Maricris Garcia, Jewel Mische, Marian Rivera at marami pang iba. Halos iisa ang comment na magandang buntis si Jennylyn at blooming siya.
Magiging ninang pala si Marian sa baby girl nina Jennylyn at Dennis dahil sa comment nitong “Awww, excited na akong makita ka, inaanak ko. Stay safe, Mare,” na sinagot ni Jennylyn ng “@marianrivera thanks, Mare.”
Nabanggit dati nina Jennylyn at Dennis na parang hindi na sila magkakaroon ng baby shower dahil marami na silang natanggap na regalo para sa kanilang baby girl.
Kumpleto na yata sa gamit si baby kahit hindi pa lumalabas at sa dami pa ng magreregalo, baka hindi na lang ang recording room at collab room ng bahay ng mag-asawa ang mapuno.





Comments