top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Excited na… FIRST BABY NINA RITZ AT MISTER, MADE IN EUROPE

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2022
3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 9, 2022


Agaw-pansin ang malalaking diamonds sa suot na engagement and wedding ring ni Ritz Azul sa mediacon ng Mamasapano (Now It Can Be Told) movie noong Lunes.


Kabog ng engagement and wedding ring na suot ni Ritz ang singsing ng ibang female celebs na nakapag-asawa rin ng taga-showbiz. More or less, aabot sa halagang dalawang milyong piso ang mga singsing ni Ritz, ha?


Ikinasal si Ritz sa non-showbiz guy na si Allan Guy. On November 20 ay ise-celebrate nila ang kanilang first wedding anniversary.


At pagkatapos ng ilang buwan mula nang mag-asawa, muling humarap si Ritz sa entertainment media. Inamin niya na na-miss niya ang ganitong okasyon sa showbiz.


What a coincidence na ang last movie ni Ritz na The Missing ay isa rin sa mga official entries sa 2021 Metro Manila Filmfest. At pagbalik niya ay may movie ulit siya for the December filmfest, ang Mamasapano produced by the famous Atty. Ferdie Topacio’s movie outfit na Borracho Film Productions showing on December 25.


Looking forward si Ritz sa pagsakay sa float during the MMFF parade dahil nga puwede nang lumabas at open na ang mga sinehan.


“Happy ako na may movie ulit ako sa MMFF. Kasi 'yung first MMFF ko na The Missing, via streaming lang kami. Hindi kami nakapag-parade. Kaya first time kong sasakay sa float,” pahayag ni Ritz nu’ng makausap namin after ng Q&A portion ng Mamasapano mediacon.


Tahasang inamin din ni Ritz na proud siya na napasama sa Mamasapano.


“Opo, kasi matagal ko na ring gustong makasama sa isang real-life event na ginawang movie.


So, eto, nakakakaba kasi kailangan bawat scene, totoong nangyari. Masaya ako na naging part ng movie kahit na maliit ang role. Pero part pa rin ako kaya proud pa rin ako.”


Sa kanyang pag-aasawa, ini-reveal ni Ritz na marami na siyang limitasyon sa pagtanggap ng project.


“Basically the same lang naman as in before. Pero ngayon, mas detailed lang kung ano ‘yung mga limitations. And siyempre, may asawa na rin.


“At, uh, nagmi-meet kami halfway kung ano ‘yung kailangang ibigay ng isang character at ‘yung hindi niya kayang tanggapin. ‘Yung mga ganoong bagay. Lahat ng bagay ngayon, kino-consult ko sa kanya,” esplika ni Ritz.


Lahat daw ng gagawin niya na project especiallykapag may kissing/ daring scenes, kailangang ipaalam daw niya sa asawa.


“Oo, siyempre, mahirap na. Dahil may asawa na tayo, hindi na sariling desisyon lang. Part na rin siya ng lahat ng desisyon ko.”


Kahit din daw sa personal niyang opinyon, it’s about time na i-limit din niya ang sarili sa kanyang showbiz career.


“Siguro pa-graduate na rin tayo unti-unti roon sa mga dating roles ko. Uh, I think, medyo time na rin naman.


“Pero hindi naman bawal na bawal. Parang, let’s say may kissing scene, ‘Bakit may kissing scene?’ Hindi porke nakalagay lang sa script, gagawin na agad. Kumbaga, dapat may laging reason kung bakit ko ginagawa? And, kung walang reason, bakit ko naman gagawin? 'Yung mga ganoong bagay.”


In-announce na ni Atty. Ferdie sa mediacon ng Mamasapano ang next project ni Ritz na pagbibidahan niya with Edu Manzano kung saan need ang kissing scenes sa movie.


Keri ba ni Ritz makipag-kissing scenes kay Edu?


“Kasi sinabi na rin sa amin ‘yung synopsis, eh. Nandoon ‘yung asawa ko nu’ng sinabi ni Atty. (Ferdie Topacio) ‘yun. Mukhang excited din naman siya, ‘yung asawa ko. Pero siyempre, friend din naman namin si Atty., alam namim we’re in good hands.”


Sa true lang, kahit hindi na mag-showbiz si Ritz ay puwedeng-puwede. Kasi nga, rich na talaga siya since we heard mayaman talaga itong mister niya na si Allan.


Also, 'pag nagka-baby na si Ritz, malamang ay titigil na talaga siya sa pag-aartista.


“Uh, siguro, kailangang mag-stop for a while pero pahinga lang. Ayaw kong huminto talaga dahil eto rin ‘yung pinaka-outlet ko rin, eh.


“Noon ngang nagte-taping kami, nagsu-shooting kami, kahit ang liit-liit lang ng role ko, ang saya-saya ko, eh.


“Naintindihan niya (Allan) kasi ru'n naman kami nagkakilala. Dito niya ako nakilala bilang artista. Uh, lahat naman ng bagay, napag-uusapan.”


Handa na ba siya na magka-baby?


“Oo, medyo pinaplano na namin. Medyo trying na rin. Kung dumating, eh, salamat. Kung hindi pa, uh, magta-try pa rin.”


Paano kung dumating na ang baby, ano’ng mangyayari sa project niya with Edu?


“Napag-usapan nga namin ni Atty. na huwag muna. So, hintayin muna siguro ‘yun (magka-baby).”


Naka-schedule namang umalis ng bansa si Ritz with Allan on November 16.


“Etong November 16, lilipad kami papuntang Europe. Mga two weeks lang,” say ni Ritz.


Sa Europe na nila ise-celebrate ang kanilang first anniversary. Bale honeymoon na rin daw nila ang kanilang trip sa Europe. ‘Di pa raw kasi talaga sila nakakapag-honeymoon after their wedding.


So, made in Europe ang first baby nina Ritz at Allan. Alam na!






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page