top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Excited ka na rin, Matteo? SARAH, HINULAANG MABUBUNTIS NA NGAYONG 2022

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 25, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 25, 2022




Tiyak na ikatutuwa ng mga fans ni Sarah Geronimo ang prediction ng isang psychic na sa taong ito (2022) ay mabubuntis na ang tinaguriang Popstar Royalty.


Magda-dalawang taon na silang kasal ni Matteo Guidicelli at naiinip na ang kanilang mga tagahanga na makita ang kanilang magiging anak.


Nasa tamang edad na si Sarah upang ganap na maging mommy. Huwag na niyang patagalin pa ang pagbubuntis upang makatiyak na magiging malusog ang kanyang isisilang na anak nila ni Matteo.


Nang biglaang magpakasal sina Sarah at Matteo (na nagawa nilang ilihim sa parents ng singer), maraming commitments ang Pop Royalty na hindi pa natatapos. May existing contract siya sa Viva Entertainment kaya hindi niya magawang priority ang pagbubuntis.


Marami pang magagandang plano ang Viva para sa career ni Sarah. Hindi nga lang nag-materialize dahil nagkaroon ng COVID pandemic.


Naka-standby muna ang kanyang mga shows-concerts abroad. At nag-umpisa na rin ang pagpapatayo ng dream house nina Matteo at Sarah.


Sa ngayon, ang aabangan na lang ng mga loyal fans-supporters ni Sarah ay kung magkakatotoo ang hulang mabubuntis ang kanilang idolo sa taong ito ng Year of the Water Tiger.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page