Excited daw lagi… KHALIL, 10 YRS. NA, ‘DI PA RIN SAWA KAY GABBI

by Janiz Navida @Showbiz Special | September 20, 2026

Photo: IG _khalilramos
Sunud-sunod ang mga projects ni Khalil Ramos.
Nasa ilang sinehan pa ang Saving Cherry ng Regal Entertainment kung saan gumaganap ang aktor bilang leading man ni Barbie Forteza, heto at may bago na namang pelikula si Khalil na kasali sa 7 full-length films na napiling ipalabas sa Puregold CinePanalo Film Festival 2026 na gaganapin from September 23 to October 4.
Bida si Khalil sa Patay Gutom kasama sina Chris Villanueva, Agot Isidro at Alwyn Uytingco mula sa direksiyon nina Carl Josph Papa at Ian Pangilinan.
Bagama't isang boy's love o BL film ang Patay Gutom, tungkol din daw ito sa istorya ng “Family, mourning, grief and death,” ani Khalil.
And speaking of family, naghahanda na ba siya sa pagkakaroon ng family kaya ang sipag-sipag niya?
Take note, bukod sa dalawang magkasunod na films niya, kasabay ding ginagawa ni Khalil ang Honor Thy Mother series sa Prime Video kung saan kasama rin niya rito sina Barbie Forteza at Megastar Sharon Cuneta.
“Hahaha!! Oh, my gosh! Family? Grabe ‘yung family, parang masyado pang mabilis. But definitely, of course saving up for the future,” natatawang sagot ni Khalil nang tanungin nga namin sa plano nila ng girlfriend na si Gabbi Garcia sa kanilang future.
Thankful daw siya na sa 15 yrs. niya sa industriya ay in demand pa rin siya at sunud-sunod ang projects ngayon.
“Kayod lang nang kayod. Siyempre, marami pa tayong gustong gawin sa future, hindi muna pamilya. Grabe!!!” dagdag ni Khalil na natatawa.
May individual at meron din daw silang dreams ni Gabbi na magkasama lalo't magte-ten years na rin pala ang kanilang relasyon.
When asked kung hindi ba sila natatakot na baka magkasawaan na sila ni Gabbi dahil 10 yrs. na nga sila together na nangyayari sa ilang couples kaya nauuwi sa hiwalayan, confident na sagot ni Khalil, “Desisyon n'yo lang matakot nu'n. Kung iisipin mo lang na matatakot ka dahil du'n, desisyon mo ‘yan!
“Kaming dalawa ni Gabbi, we always choose to love each other everyday. And that's the beauty of you know… Our love revolves. We keep it as exciting as possible. It's a matter of choosing and wanting to spend time, and wanting to sacrifice. ‘Yun lang ‘yun!” mariin niyang pahayag.
Tamah naman! At iba naman si Khalil kina…. Charot! Wa’ na mention ng names at ‘di naman sila kasama sa Patay Gutom, ‘no?
Anyway, bukod sa naturang pelikula, ang anim pang entries sa Full-Length Category ng Puregold CinePanalo Film Festival 2026 ay ang mga sumusunod: Apol of My Ai na idinirek ni Thop Nazareno at pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Zion Cruz at Rochelle Pangilinan; Beast na idinirek ni Lawrence Fajardo at pinagbibidahan ni John Arcilla; Mono No Aware na idinirek ni BC Amparado at pinagbibidahan nina Juan Karlos Labajo at Perry Dizon; Multwoh (Patay Na Patay Sa ‘Yo) na idinirek ni Rodina Singh at pinagbibidahan nina Sassa Gurl at Joao Constancia; Stuck on You na idinirek ni Mikko Baldosa at pinagbibidahan nina Xyriel Manabat at River Joseph; at Wantawsan, na idinirek ni Joseph Abello.
For this year, P5 milyon ang inilaan sa bawat isang pelikulang nakapasok sa 3rd CinePanalo Filmfest.
Para naman sa Student Shorts Category, 19 pelikula ang pumasok at ayon sa festival director na si Sir Chris Cahilig, P50K each ang inilaan sa kanila ng Puregold.
Ang Puregold CinePanalo Film Festival 2026 ay magaganap sa Sept. 23 to October 4 sa Gateway Cineplex 18, Trinoma, Fairview Terraces, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Circuit, Ayala Malls Manila Bay at Market! Market!.
Kinimkim lang ng girl pero friendship over na…
BIDA-BIDANG AKTRES, INAHAS SA BFF NA AKTRES ANG SUPER RICH BUSINESSMAN, DYOWA NA NGAYON

BLIND ITEM:
HINDI lang pala bida-bida ang “know-it-all” na aktres, may pagka-anaconda rin pala ito.
Chika ng aming source na nakaamoy sa dahilan ng tampuhan ng dati pa namang mag-BFF (best friends forever) na aktres, unang nagkaroon ng “something” ang super rich na businessman sa BFF ng bida-bidang aktres.
Hindi maituturing na relasyon ang nangyari sa BFF ng bida-bidang aktres at sa businessman dahil tamang “special booking" lang daw ang eksena.
Mahirap paniwalaang nagpapa-booking din ang aktres dahil may mga projects naman ito, pero tiniyak ng source na may “talent fee” ang nangyari sa pagitan ng aktres at businessman.
Heto na, nagulat na lang ang aktres dahil nalaman niyang dyowa na ng BFF niyang bida-bidang aktres ang negosyante.
Nawalan ng one time, big time na raket ang aktres kaya FO (friendship over) na sila ngayon ng bida-bidang aktres.
Para wala na lang isyu, kinimkim niya na lang ang dahilan ng tampuhan nila.





Comments