top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Excited ang karerista sa 3-YO Bred Grand Derby

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 3, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 3, 2022


Tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang sa Linggo dahil ilalarga ang stakes na 2022 PHILRACOM 3-Year-Old Locally Bred Grand Derby.


Masisilayan ang paghaharap muli nina Basheirrou at Gomezian, rarampa sila sa pista ng Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas. kontra apat pang tigasing kabayong kalahok sa distansiyang 1,600 meter race.


Kabilang sa mga kakasa kina Basheirrou at Gomezian ay si Don Julio na sasakyan ni class A jockey Mark Angelo Alvarez.


Bukod sa tatlong nabanggit na kabayo, makikipagtagisan din ng bilis sina Charm Campaign, Jungkook at Radio Bell sa karerang nakalaan ang P3M garantisadong premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.


Nakalaan ang P3M garantisadong premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kaya paniguradong lahat ng kasali ay naghanda ng todo para masilo ang inaasam na titulo.


"Sa laki ng premyo panigurado bakbakan ang masisilayan natin dyan, kahit sino puwede tayaan, ako sa dehado ako, lahat 'yan mahuhusay na kabayo," saad ni Jessie Gonzales, veteran karerista.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P1.8M premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Hahamigin ng pangalawang kabayong darating sa finish line ang P675,000 habang tig-P375,000 at P150,000 ang third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page