Excise tax, ibinalik na... Presyo ng LPG, kerosene, tataas
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 10, 2026

Photo: File
Muling ipinatupad ng pamahalaan ang excise tax sa kerosene at liquefied petroleum gas (LPG) matapos ang tatlong buwang suspensyon kasunod ng pagbaba ng presyo ng Dubai crude oil sa ibaba ng $80 kada bariles.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na umabot lamang sa $79.45 kada bariles ang average na presyo ng Dubai crude oil na batay sa Mean of Platts sa Singapore, mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 30.
Dahil dito, awtomatikong naibalik simula Hulyo 8 ang excise tax na itinakda sa National Internal Revenue Code (NIRC).
Sa ilalim ng umiiral na buwis, muling ipapataw ang P5.65 kada litro ng kerosene at P3.36 kada kilo ng LPG, na katumbas ng halos P37 na dagdag sa presyo ng isang 11-kilogramong tangke ng LPG.





Comments