top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Exams sa mga paaralan, pinaplano na ng DepEd

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 7, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | March 7, 2022



Pinag-iisipan na ng Department of Education (DepEd) na payagang magsagawa ng mga examinations sa mga paaralan sa gitna ng COVID-19 pandemic.


“Sa ngayon, inaayos pa natin ‘yung ating guidelines para po diyan. Pero bukod po sa mga klase, isa po sa tinitingnan natin na puwede ring gawin ngayon ay ‘yung pagsasagawa ng mga examination,” pahayag ni DepEd Assistant Secretary Malcolm Garma nang tanungin kung kinokonsidera ng DepEd na magsagawa ng graduation ceremonies sa mga campuses.


Binanggit din ni Garma bilang halimbawa ang pagkakaroon ng tinatawag na “large-scale assessments” gaya ng Programme for International Student Assessment (PISA).


“For example, ‘yung ating mga large-scale assessment katulad ng PISA o paglahok natin sa PISA. So ‘yan po ‘yung isa sa mga kinokonsidera na puwede na po nating gawin sa loob ng eskwelahan,” paliwanag ni Garma.


Nang tanungin naman hinggil sa timeline para rito ng DepEd, sinabi ni Garma na pinag-aaralan na nila ang mga iskedyul dahil by batch ginagawa ang naturang aktibidad, habang aniya, posibleng magsimula ito ng Marso.


Matatandaang noong 2020, ipinatupad ng DepEd ang distance learning dahil sa panganib ng COVID-19, kung saan hindi na kailangang magpunta ng mga estudyante sa mga campuses para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa nasabing setup, kailangan lamang ng mga estudyante na ma-accomplish at mag-submit ng learning modules o pumasok sa mga online classes.


Noong Nobyembre 2021, sinimulan ang pilot testing ng face-to-face classes sa mga piling paaralan sa maraming lugar sa bansa.


Nitong Linggo, inihayag ng DepEd na may 6,925 paaralan sa buong bansa ang handa nang mag-participate sa kanilang “progressive expansion” phase ng F2F classes. Sa nasabing bilang, 6,122 eskuwelahan ang nagpatuloy na sa limited in-person classes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page