top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ex-wife, may ibang dyowa na… ALJUR, TANGGAP NANG NEVER BABALIKAN NI KYLIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 8, 2023




Para sa amin, hindi dapat na hinuhusgahan ng mga netizens si Kylie Padilla kung ito man ay nakikitang may ka-date na guy.


Napaka-unfair naman kay Kylie kung dahil lang dito ay kung anu-ano nang paninira ang ibinibintang sa kanya, samantalang si Aljur Abrenica ay malayang gawin ang lahat at okey lang na makipagrelasyon sa iba?!


Tao lang naman si Kylie na nangangailangan din ng kalinga at pagmamahal.


Nagagampanan naman ni Kylie ang kanyang tungkulin sa dalawa nilang anak ni Aljur.


Naging mabuti siyang ina at naitaguyod ang dalawang anak kahit na isa siyang single mom.


For sure, maging si Aljur Abrenica ay maiintindihan ang sitwasyon ng kanyang ex-wife na si Kylie. Hindi niya ito pagbabawalang makipag-date sa iba at mag-entertain ng mga suitors.


Well, malinaw naman kay Aljur na at this point of Kylie Padilla's life ay wala na itong balak na makipagbalikan sa kanya kahit alang-alang na lang sa dalawa nilang anak.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page