Ex-wife at GF ni Richard… KAMPO NINA SARAH AT BARBIE, TULOY ANG PUKSAAN SA SOCMED

ni Nitz Miralles @Bida | October 31, 2026

Photo: IG _msbarbieimperial & _sarahlahbati
Spotted sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial sa The New Nocturnals Halloween Ball sa napili nilang costume na galing sa comic-book characters.
Si Barbie ay dumating as the seductive Poison Ivy at si Richard naman ay dumating bilang si Doctor Doom, isang Marvel villain.
Mababasa ang mga comments na bagay na bagay ang dalawa dahil pati sa costume, in sync sila.
May nagsabing cute ang costume nina Barbie at Richard. May nag-akusa ring gaya-gaya sila, pero hindi naman sinabi ng fan kung sino ang ginaya nila.
In fairness, kahit naka-costume, nakilala pa rin ang magdyowa at kahit naka-maskara pa si Richard.
Samantala, hindi maiwasang magparinigan ang mga fans nina Barbie at Sarah Lahbati. Sa mga posts ni Sarah, si Barbie ang bina-bash ng mga fans. Sa post naman ni Barbie, ang ex-wife ni Richard ang bina-bash ng mga netizens.
Sample ng bashing sa ex-wife ng aktor, “Kawawa mga faney ni ex, panay ang singit ng pic nu’ng idol nila, ‘di kasi invited.”
Gumanti naman ang mga fans ni Sarah sa fans ni Barbie, “Ang dami nang nag-costume ng Poison Ivy, feeling n’yo ‘yung idol n’yo ang naunang mag-costume nu’n.”
May fan na nagtanong kung kailan daw kaya matatapos ang puksaan ng mga fans nina Sarah at Barbie. Ang sagot ng isa pang fan na walang pinapanigan, matatapos lang daw ang puksaan ng dalawang kampo kapag nagpakasal na sina Barbie at Richard o kaya’y nagpakasal na si Sarah at ang boyfriend nitong Afam.
JOSEPH MARCO, HIGIT 10 NA ANG PUSA, AYAW PANG TUMIGIL SA PAG-AMPON
MAY bago na namang adopted cat si Joseph Marco at parang hangga’t kaya ng aktor, mag-a-adopt siya ng pusa.
Ipinakilala nito ang bagong alaga at ipinost ang photo ng first black cat na in-adopt.
Aniya, “I’ve always wanted to have a black cat, and one day, while I was walking, I came across him on the streets. He was covered in ear mites, with bald spots and patches of fur missing. I couldn’t just walk away and leave him like that.”
Ang ganda ng black cat na bagong ampon ni Joseph. Malalaki ang mga mata at kung maganda na ito bago i-adopt ni Joseph, mas magiging maayos ito sa poder ng aktor dahil maaalagaan nang husto.
The last time na nag-check kami, more than 10 cats na ang alaga ni Joseph. May mga nadagdag na, baka malapit na silang umabot ng 20.
May nagpayo kay Joseph na magtayo na lang siya ng animal sanctuary para mas marami pa siyang maaalagaan.
May nag-comment naman na sana, animal lover din ang maging GF ni Joseph para hindi maging problema sa kanilang relasyon. Ang feeling namin, hindi titigil si Joseph sa pag-ampon ng pusa.
Dahil in-announce ni Kris in public…
MADLANG PIPOL, NAMIMILI NA RIN NG GF PARA KAY BIMBY
MARAMI ang nagtanggol kay Kris Aquino sa maling akala na ni-reject nitong future daughter-in-law si Ryzza Mae Dizon. Dahil ito sa naging pahayag ng Queen of All Media tungkol sa gusto niyang mapangasawa ng anak na si Bimby Aquino.
Sinabi lang naman ni Kris na sana ay maganda ang mapangasawa ni Bimby, may mga nag-react na. May nag-comment pa ng “Kawawa naman si Ryzza, ni-reject agad nu’ng mother-in-law.”
Sinundan pa ng “Hayaan mo, Ryzza, you will be blessed.”
Mabuti at may mga nagtanggol agad kay Kris. Wala naman daw binanggit na pangalan si Kris at ginawan lang ito ng isyu.
Sey ng mga netizens:
“You are just making stuff up. Maganda naman si Ryzza.”
“My gosh, nobody even mentioned (by) Ms. Kris. People just assumed it was Ryzza?”
“Siraulo, ‘di naman s’ya pinangalanan ni Kris.”
“Wala namang sinabi si Ms. Kris kung sino, huwag agad husgahan. Uso kasi sa Pilipinas ang pagiging feelingero.’”
Sa sinabi ni Kris tungkol sa gusto niyang mapangasawa ni Bimby, pati ang mga fans, kasama nang pumipili ng magiging GF at wife nito.
Sana lang, hindi ma-pressure si Bimby, pati na rin ang girl na mapipili niyang mahalin.





Comments