Ex-wife, amazing mom daw… JOHN, MAS GUSTONG GAYAHIN NG ANAK SI PRISCILLA KESA SA KANYA
- BULGAR
- Feb 14
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Feb. 14, 2025
Photo: Jhon Estrada - Instagram
Marami ang natuwa nang mabasa ang mensahe ni John Estrada para sa 13th birthday ng anak niyang si Anechka:
“To my forever baby ANECHKA, now that you are in your teen years, I thank God every day that she gave me you. I couldn't ask for a better daughter, who is kind, smart, intelligent, so talented, prayerful, and most especially funny like her Didi. If only I could give you a perfect world to live in, where there is no pain, disappointments, misery, hardship, and sadness, I would…”
Ishinare rin ng aktor ang mga kuhang larawan sa party ng anak. May kuha ring larawan kung saan magkasama sa isang frame ang estranged couple na sina John Estrada at Priscilla Meirelles.
Sabi pa ni John, “I want you to grow up like your MOM cause she's an amazing person, and I wish that no matter how old you are, one of these days you would still listen and respect us as your parents cause we just want the best for you. “Please know in your heart that every time you're happy, Didi is the happiest. I'll do everything to make sure that you have a meaningful life, and I'll always be here to protect and love you till my last breath. I love you soooooo much, my love. Happy happy 13th birthday.”
PALIBHASA magkamukha ang kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez, kaya nakatanggap ng komento ang huli hinggil sa karakter ng una sa Incognito na dapat ay kay Richard.
Sinagot naman ni Raymond ang commenter na ikinatuwa ni Richard. Ini-screenshot ito ni Mond at ipinost sa social media.
Komento ng netizen, “Ang galing mo po sa Incognito.”
Sinagot niya ang netizen, “Thank you,” at saka itinag ang kambal, “I think this is for you, @richardgutz, but YAY!”
Tila hindi yata tanggap ni Raymond ang komento ng netizen, kaya siya napa- “YAY! Hahaha!”
Knowing kasi na magkaiba ang gender ng twin brothers.
Ini-repost naman ni Richard sa kanyang Instagram (IG) Story ang tag ni Raymond na may kasamang several laughing-crying emojis.
Patunay lang ito na very effective ang ensemble ng aktor, pati na rin ang iba pang cast ng Incognito na sina Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, Anthony Jennings,
Maris Racal, at Daniel Padilla.
Talaga namang pinag-uusapan sa Netflix ang series na ito mula sa Kapamilya Network.
ISA sa mga hosts ng Pinoy Big Brother (PBB) ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia. Katunayan, ang daming naiinggit na Kapuso artists dahil si Gabbi ang masuwerteng napili para sa sanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA-7 sa PBB Collab Celebrity Edition na mapapanood na sa Marso.
May mga sitsit na bet umanong ipasok ni Gabbi si Barbie Forteza sa PBB house.
Ibinulgar ng Kapuso actress kung sino para sa kanya ang karapat-dapat na makapasok sa PBB house mula sa hanay ng GMA artists.
Inamin ng girlfriend ni Khalil Ramos na looking forward siya na mapanood ang lead actress ng Pulang Araw (PA) na si Barbie.
“Si Barbie. We always see Barbie’s primetime princess side as an actor. I’m pretty sure people wanna get to know her on a deeper level,” saad ni Gabbi.
Inamin niyang looking forward siya na mapanood si Barbie sa PBB House.
May chance rin daw bang makapasok ang boyfriend niyang si Khalil Ramos?
Aniya, “Kung ipinapatawag s’ya ni Kuya, wala tayong magagawa.”
Nagbigay naman siya ng payo para sa boyfriend kung sakaling makasama ito sa PBB Collab.
“Behave. Siguro more of—kasi he’s very introverted—just talk to people,” pakli ni Gabbi.
Marami na ang nag-aabang kung sinu-sino sa dalawang network artists ang magiging housemates sa Bahay ni Kuya.
Of course, makakasama ni Gabbi sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo bilang mga hosts sa inaabangang reality show na mapapanood sa Kapuso Network.
Matatandaang nitong January 28 nang magkaroon ng contract signing sa pagitan ng GMA at ABS-CBN para sa kanilang collaboration kung saan ilan sa mga Kapamilya at Kapuso artists ang papasok sa PBB.
Noon namang Linggo, February 9, sa noontime show na All-Out Sundays (AOS), ipinakilala si Gabbi bilang isa sa mga Kapuso hosts ng PBB kasama ang Kapamilya hosts na sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo.
Σχόλια