top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ex-Viva Hot Babe... RACHEL, NAKABENTA NG 30 MERCEDES BENZ, NAKAPAGPATAYO NG WELLNESS CLINIC

BULGAR
Jul 4, 2022
2 min read

Updated: Jul 7, 2022

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | July 4, 2022



Nakakatuwa naman ang naging kapalaran ng dating Viva Hot Babes member na si Rachel Villanueva.


Na-meet namin kahapon si Rachel kasama ang co-member niya sa Viva Hot Babes na si Ella V. sa grand opening ng kanilang new business na Estetika Wellness and Beauty Clinic at AutoFlare sa Filinvest City, Alabang, Muntinlupa City.


Pagpasok pa lang namin sa venue kung saan ginanap ang presscon-opening ng Estetika, napa-wow na kami sa dami ng mga luxury cars na nandu'n.


So, naki-Marites kami kung negosyo rin ba ni Rachel ang pagbebenta ng mga mamahaling kotse tulad ng Mercedes Benz.



Then sa interview namin sa kanila ni Ella V. kasama ang ipinakilalang managing director ng AutoFlare na si Mr. Dexter Co, nalaman naming nagtrabaho pala dati si Rachel sa kumpanya ni Mr. Co at nakabenta raw siya ng 30 units ng Mercedes Benz kaya 'yun ang ginamit niyang puhunan para makapagpatayo ng Estetika Wellness and Beauty Clinic na ang mga beauty products namang ginagamit ay mula sa kumpanyang pag-aari ni Ella V.


Nitong June lang nagsimulang magbukas ang Estetika at kahapon nga ang grand launching. Ang maganda rito, dahil partner nga ng Estetika ang Autoflare, 'yung mga bibili raw ng kotse ay puwedeng mag-avail din ng treatment and services sa wellness clinic.


Pero ito ang mas magandang kuwento, hindi lang pala basta business partners sina Rachel at Mr. Dexter Co dahil nagkaroon na rin pala sila ng tatlong guwapong anak na lalaki at happy family sila.


O, 'di ba, bongga?


Hindi masyadong ma-showbiz si Mr. Dexter Co nang tsikahin namin about celebrities pero napaamin din namin siyang isa si Derek Ramsay sa mga buyers niya ng Mercedez Benz at not just one kundi dalawang MB pa pala ang binili ng mister ni Ellen Adarna, ha?!


Ohhhh, yayamanin talaga si Derek, 'no!!!


Samantala, happy and proud naman si Rachel Villanueva sa bago nilang negosyo na Estetika Wellness and Beauty Clinic dahil sabi nga niya "We only offer the best" at sa ambiance na ambiance pa lang ng kanilang location, eh, mapi-feel mo nang VIP at yayamanin ka talaga 'pag naging client ka nila.


Kaya sa mga celebrities at mga gustong mag-feeling celebrity d'yan, alam n'yo na kung saan kayo gogora kung gusto n'yong mag-relax at magpaganda!


'Yun na!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page