Ex-sundalo, ibinulgar ang pag-deliver ng male-maletang pera kay Romualdez
- BULGAR

- 13 hours ago
- 2 min read
ni Mylene Alfonso @News | February 25, 2026

Photo File: Philippine Marine Corps
Kinumpirma ng 18 dating sundalo ang naunang akusasyon ni dating Marine Orly Guteza na nagdala siya ng pera kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez galing sa kickback mula sa flood control projects.
Sa isang press conference sa Club Filipino sa San Juan, sinabi ni Atty. Levi Baligod na ilang beses nagdala ang mga sundalo ng male-maletang pera na aabot sa P805 bilyon kay Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Forbes Park at Paoay, Ilocos Norte.
Naglabas si Baligod ng mga larawan na nagpapakita ng maraming maleta na ginamit sa pagdadala ng pera.
Sinabi rin ni Baligod na ginamit pa sa paghahatid ng pera sa iba’t ibang pulitiko ang eroplano ni dating Cong. Zaldy Co.
Nauna nang sinabi ni Guteza na nagdala siya ng 46 maleta ng pera kina Romualdez at Co.
Iginiit ni Baligod na naniniwala siya na si Marcos ang utak ng anomalya habang nasa ilalim niya sina Romualdez at Co.
Inihayag din ni Baligod na nakatanggap siya ng balita na si Guteza ay umalis na ng bansa.
“Marami po kaming nasasagap na balita na pinapunta po siya sa ibang bansa,” dagdag ni Guteza.
4 sa 18 na iprinesenta ni Baligod, ‘di naging miyembro ng Navy — PH Navy
by Info @News | February 25, 2026
‘Hindi naging miyembro ng Navy’
Kinumpirma ng Philippine Navy o na hindi naging miyembro ng kanilang hanay at ng Philippine Marine Corps ang apat sa 18 marines na 'bagmen' umano habang ang ilan dito ay na-dismiss na dahil sa dishonorable charges.
Kaugnay ito ng paglantad nila sa isang press conference ni Atty. Levi Baligod kung saan ibinulgar nila ang anila’y paghatid umano nila ng kickback sa ilang opisyal ng gobyerno kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Samantala, hinimok naman ng Navy ang publiko na maging mapanuri laban sa maling impormasyon at iginiit na mananatili silang propesyonal, non-partisan, at magtatanggol sa soberanya ng bansa.




Comments