Ex-PBB housemate, Barbie… DIEGO, TODO-DENY NA GF SI FRANKI RUSSEL
- BULGAR
- Jun 5, 2022
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | June 5, 2022

Between Sue Ramirez at Diego Loyzaga ay ang aktres ang may maayos at matagal nang karelasyon sa boyfriend niyang 2022 mayor-elect na si Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental at mahigit dalawang taon na sila.
Samantalang si Diego ay naka-isang taon lang sila ni Barbie Imperial at single sa kasalukuyan ang aktor dahil itinanggi naman niya ang nali-link sa kanyang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russel.
Kaya sa nakaraang virtual mediacon ng How to Love Mr. Heartless ay tinanong si Sue kung ano ang payong maibibigay niya kay Diego para sa susunod nitong karelasyon.
Nagulat at natawa ang dalaga sabay sabi ng aktor sa kanya ng, “Go, Sue. I’m all ears!”
Sagot ni Sue, “Napag-usapan naman natin 'to, eh, somewhere along the tengga times sa shooting ng How to Love Mr. Heartless. Wala naman. Each has his own talaga, may kani-kanya tayong preferences pagdating sa love. And hindi ko puwedeng… alam mo 'yun, hindi i-acknowledge o i-discredit kung ano man ang ginawa n’ya para sa pagmamahal dahil lang iba 'yung way ko. So, hindi ko alam.”
Sabay pag-amin ng aktres na hindi pa rin siya ganu’n ka-successful sa relasyon nila ni Mayor Javi.
“At this point in time, 25 na ako, well, lost din naman ako sa buhay. Hahaha! 'Di ba, at 25, 'yun naman 'yung pinakaunang trait mo, eh…lost ka, eh. At this point, hinahanap mo pa talaga kung saan ang path mo.
“Hindi ko ia-acknowledge na perfect ang relationship ko kasi LDR [long distance relationship] din kami ni Javi and all.
“Kaya ni Diego 'yan. I think, kung paano s’ya ngayon, 'yung state of mind n’ya, state of being n’ya talaga…alam naman n’ya ang nangyayari. Kayang-kaya n’ya 'yan. I don’t think he needs my advice.
“Do you need my advice? I don’t think so. Baka ikaw pa ang makapagbigay sa akin ng advice. Hahaha!” saad ni Sue.
Anyway, mapapanood na ang How to Love Mr. Heartless sa advance screening nito on June 10 sa Vivamax Plus at sa regular streaming simula June 17 sa Vivamax mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.





Comments