Ex-P-Du30, pinitik… ATTY. TOPACIO KAY VICE: NAG-JOKE KA, HARAPIN MO ANG BANAT NG MGA DDS
- BULGAR

- Aug 19, 2025
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 19, 2025

Photo: Atty. Topacio via Bulgar
Sa gitna ng kaliwa't kanang banat ng mga DDS (diehard Duterte supporters) kay Unkabogable Star at It's Showtime host Vice Ganda, nahingan namin ng reaksiyon at opinyon ang mga kilalang Duterte supporters na sina Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Jimmy Bondoc.
Sa ginanap na Kamuning Bakery Pandesal Forum kahapon, pinangunahan ito ni Atty. Ferdinand Topacio, ang bagong itinalagang Deputy Speaker ng PDP, kasama ang ibang panelists/speakers na sina Atty. Jimmy Bondoc, former Cong. Atty. Jing Paras and Mr. Manny Luna.
Dahil mainit na issue pa nga rin ang diumano'y below the belt na joke ni Vice laban kay ex-P-Du30 at galit na galit pa rin ang mga DDS kay Meme, tinanong namin ang stand dito nina Atty. Ferdie at Atty. Jimmy.
Iisa ang naging opinyon ng magkaibigang abogado — naniniwala sila sa freedom of speech kaya wala silang nakikitang nilabag na batas ni Vice Ganda.
Ani Atty. Jimmy, “Choice niya ‘yun, eh. Choice niyang sabihin ‘yun. Well, for my perspective, it's very hurtful, it's below the belt, but again, it's within the bounds of law. Freedom of speech niya ‘yun, eh. So ang akin, choice ‘yun. We're not talking law, ayokong mag-comment.
“Pero kung magalit man siguro sa kanya ‘yung mga tao, ‘di na siya nagagalit,” pahayag ng dating singer-turned lawyer.
Ayon naman kay Atty. Ferdinand Topacio na kilala ring witty at simple pero rock kung bumanat sa kanyang mga inaayawan, either sa politics or showbiz, “Eto ang stand ko kay Vice Ganda, may freedom of expression under the constitution. Kung lait-laitin mo ang isang tao, freedom mo ‘yun, hindi kita pipigilan. I will not take it against you. Okay lang ‘yun.
“Ngunit siyempre ‘pag may na-offend, may kalayaan din naman silang maghayag, either magalit sa ‘yo or mag-call ng boycott ng mga produktong ineendorso mo.
“Nag-joke ka, nagalit sa ‘yo, face the consequences,” diretsong hamon ni Atty. Ferdie kay Vice.
Siya nga rin daw, maraming nagagalit sa kanya ‘pag may naging joke siya pero hindi siya nagdedemanda at dedma lang siya sa mga bashers.
Ang hiling lang niya kay Vice Ganda, kesa raw nagdyo-joke ito na puro kababawan, dahil talaga namang influential si Meme, gamitin na lang nito ang talento sa pagpapatawa, gumawa ng mga de-kalidad na comedy films nang sa gayon maitaas nito ang antas ng pagpapatawa sa ‘Pinas at maging world-class ang kanyang mga pelikula.
Natanong nga si Atty. Ferdie kung puwede ba niyang igawa ng comedy film si Vice na masasabing quality tulad ng sinasabi niya at aniya, willing naman siya kung sakali.
Kaya nga lang, aminado rin si Atty. Ferdie na mas kumikita sa bansa ang mga kababawang pelikula.
Samantala, nahingi rin namin ang reaksiyon ni Atty. Ferdie sa balitang kinokonsidera ang Hello, Love, Again na mapasama sa mga pelikulang entry ng ‘Pinas para sa Oscars.
Diretsong opinyon ng abogado-producer ng Borracho Films, napanood niya ang Hello, Love, Goodbye na unang movie team-up nina Alden Richards at Kathryn Bernardo at masasabi niyang maganda talaga ito.
Pero itong HLA raw ay parang pinilit lang magka-sequel ang movie kaya hindi niya nakikitang deserve mapasama sa mga pelikulang ipapasok sa Oscars bilang entries ng ‘Pinas.
Well, dahil movie producer at movie buff si Atty. Ferdinand Topacio, may ‘K’ naman siguro siyang mag-comment.




Comments