top of page
Search
  • BULGAR

Ex-OFW na feeling malas sa buhay, gusto nang mag-suicide

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | December 6, 2023


KATANUNGAN

  1. Nang makapag-abroad ako sa Dubai noong taong 2022. Ang buong akala ko ‘yun na ang suwerte ng aking pamilya. Maganda ang naging trabaho at sahod ko ru’n. Kaya lang, doon ko rin nakilala ang babaeng tawagin na lang nating si Jessa. May sarili na siyang pamilya at gayundin ako, gawa ng kapwa kami malayo sa asawa namin, nagkaroon kami ng lihim na relasyon, pero hindi naman ito nagtagal dahil nalaman ito ng aking asawa, kaya nang bumalik ako sa Pilipinas ang akala ko ay mauunawaan ako ng misis ko. Pero, nilayasan niya ako at isinama ang aming mga anak, ‘yun pala ay may iba na siyang lalaki.

  2. Makikipagbalikan sana ako kay Jessa dahil ang sabi niya sa akin matagal na raw silang hiwalay ng mister niya. Pero, nasira ang lahat ng plano ko nang malaman kong nagkaayos na pala sila at mula noon, tinanggal na niya ang lahat ng komunikasyon sa akin. Parang huminto ang mundo ko nang nalaman ko iyon. Nawala na ang aking pamilya, nawala pa sa buhay ko si Jessa.

  3. Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong maka-recover uli? Ikaw na lang ang pag-asa ko at kahit ano’ng sabihin mo ay susundin ko para muling gumanda ang buhay ko.

  4. Wala akong trabaho sa ngayon at hinihintay ko pa ang mga papeles ko para makabalik sa Dubai. Minsan tuloy naiisip kong magpatiwakal na lang, mukha kong kawawa ngayon lalo na kapag sinisingil na ako ng mayari ng apartment na inuupahan ko ngayon.


KASAGUTAN

  1. Hindi ka puwedeng magpatiwakal, Jomar, dahil hindi mo ba napansin na napakalinaw at napakahaba ng Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kahit magtangka kang tumalon sa building o kaya nama’y magpasagasa sa tren o uminom ng lason, siguradong hindi ka magtatagumpay. Sapagkat, hindi pa ito ang tamang panahon upang mawala ka rito sa mundo.

  2. Sa halip, ang mabuting balita ay muling sumikad paitaas ang Career Line o Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.) matapos itong salpukin ng Guhit ng Pambababae (B-B arrow b.) ay muli kang makaka-recover (arrow c.) hanggang sa makarating ka sa Mount of Saturn na tinatawag din nating Bundok ng Tagumpay at Bundok ng Katuparan (arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ibig sabihin, kung wala kang trabaho ngayon, wala kang girlfriend, asawa at pamilya, ‘wag kang malungkot dahil panigurado darating at darating din ang panahong muli kang magkakaroon ng isang maganda at matatag na source of income at lahat ng nawala sa iyo ay unti-unting magbabalik sa iyo.

  4. Hindi pa r’yan natatapos ang iyong suwerte! Dagdag dito, matapos mabiyak at magulo ang unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow e.), agad naman itong napalitan ng isang magandang Marriage Line (2-M arrow f.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na matapos kang iwanan ng iyong asawa dahil sa ginawa mong pambababae, hindi ka pa rin iiwanan ng masuwerte mong kapalaran. Kung saan, sa ikalawa at mas okey sa sitwasyon, muli kang makakapag-asawa na may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay na ikalawang pagpapamilya, basta hindi mo na ulitin ang nagdaan mong pagkakamali – ang pambababae!


MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang ayon sa iyong mga datos, Jomar, kahit na sa ngayon ay nawalan ka ng trabaho, karelasyon, at asawa’t anak, umaasa kang isang umaga magkakaroon pa ng “second chance” sa iyong buhay.

  2. Sa kalagitnaan ng susunod na taong 2025, sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto, pagmulat na pagmulat ng iyong mga mata, may mag-aalok uli sa iyo ng isang regular at magandang trabaho, at sa panahong iyon, bago sumapit ang edad mong 44 pataas, muling ibabalik ng tadhana ang lahat ng nawala sa iyo - magandang career, at mas masayang pamilya na panghabambuhay mo nang makakasama, hatid ng isang babaeng nagtataglay ng zodiac sign na Libra.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page