Ex niyang TV host, ginagamit daw… ROBIN, ‘DI KAILANGAN SI KRIS SA PAGTAKBONG SENADOR
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 17, 2022

Nag-react ang maraming tagahanga at supporters ni Robin Padilla sa akusasyon sa kanya ng ilang bashers na ginagamit niya ngayon si Kris Aquino upang bumango ang kanyang pangalan sa mga botante.
Malaking boto rin daw ang makukuha ni Binoe sa mga fans ni Kris Aquino sa pagtakbo niyang senador sa 2022.
Marami naman ang natuwa at humanga kay Robin nang mag-post sa social media ng pakiusap sa mga bashers ni Kristeta. Humingi kasi si Robin ng pang-unawa at konsiderasyon sa mga bashers ni Kris na patuloy sa pagbanat sa kabila ng malubhang sakit ng aktres-TV host.
Nagpaka-gentleman lang naman si Robin dahil may dati silang pinagsamahan ni Kristeta na ex-girlfriend niya. Nakikisimpatya lang siya sa pinagdaraanan ngayon ng mama nina Josh at Bimby.
Kahit sino naman ay hindi hahangarin na magdusa at masaktan ang isang taong maysakit tulad ng sitwasyon ngayon ni Kris Aquino. Mas kailangan niya ngayon ng pang-unawa at maraming dasal upang malagpasan niya ang kakaibang karamdaman na dumapo sa kanya!
Well, curious ang mga netizens kung ano’ng klaseng sakit ang nakadale kay Kris. Ayon na rin sa mga doktor ay wala itong katapat na gamot.
May mga nag-iisip tuloy na baka gawa ito ng mga taong may matinding galit noon kay Kris Aquino? Hindi kaya “nakulam” si Kristeta kaya hindi mapagaling-galing ng mga doktor ang kanyang autoimmune disease?
Ang siste, hindi naman naniniwala si Kris sa mga albularyo. So, paano niya malalaman kung matinding “kulam” nga ang ginawa sa kanya kaya hindi siya gumagaling?
Wala namang mawawala kung magpapatingin siya sa isang magaling na albularyo.
Anyway, back to Robin Padilla, kung gugustuhin lamang ng aktor na manggamit, nandiyan ang kanyang pamangkin na si Daniel Padilla at ang GF nitong si Kathryn Bernardo na makakatulong sa kanyang kandidatura. Hindi na niya kailangan si Kris Aquino para siya iendorso bilang senador. On his own, kayang mangampanya ni Robin Padilla.





Comments