top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ex nina Heart at Erich, proud na proud… DANIEL, BYUTING BRAZILIAN MODEL ANG BAGONG GF

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 10, 2022
2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 10, 2022


Feel na feel talaga namin na back to normal na ang buhay nating mga Pinoy kahit sinasabi pang nandiyan pa rin ang COVID at tumataas pa rin ang cases.


Base kasi sa nasaksihan naming mga dumalo sa Macbeth’s 20th Anniversary fashion show-cum concert na ginanap nu’ng Sabado nang gabi sa Metrotent sa Metrowalk, Pasig, ‘di na ramdam ang takot ng mga concertgoers at party-party na talaga ang galawan nila habang nakikisabay sa taas ng energy ng mga bandang nag-perform that night, na kasabay din ng fashion show naman kung saan ibinida ang iba’t ibang designs ng Macbeth clothing apparel ng mga naggagandahan at nagguguwapuhang foreign at local models.


At knows n’yo ba??? Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nalaman tuloy namin na may bagong dyowa na pala ang Brazilian-Japanese actor-model na si Daniel Matsunaga na SAparehong ex-boyfriend nina Heart Evangelista at Erich Gonzalez.


Napadaan kasi si Daniel sa press area kaya ayun, may-I-ask na namin siya kung ano’ng ginagawa niya sa Macbeth 20th Anniversary fashion show-concert, eh, hindi naman namin siya nakitang rumampa sa stage.


Nangingiting pag-amin niya, nandu’n siya para suportahan ang kanyang GF na model na isa sa mga rumampa sa fashion show.


Nakita naming nasa isang gilid lang ang girl habang waiting kay Daniel kaya sabi namin sa guwapo pa rin namang aktor-model, baka puwede niyang ipakilala sa amin ang GF niya.


In fairness kay Daniel na consistent sa pagiging mabait at accommodating, tinawag ang GF niya at proud na proud na ipinakilala sa amin.


Brazilian din ang GF ni Daniel na Julia ang name (‘di lang niya nasabi ang surname) at pag-amin nila, more than a year na silang magkarelasyon.


“Konti lang,” ang isinagot sa amin ni Julia when asked kung marunong siyang mag-Tagalog.


But in fairness uli, mukhang mabait at accommodating din ang GF ni Daniel na puwede rin naman daw mag-showbiz kung may offer, ayon sa ex nina Heart at Erich.


Sayang nga lang at nagmamadali ang dalawa — na ewan lang namin kung may date pa — kaya hindi namin naitanong ang reaksiyon ni Daniel Matsunaga sa balitang hiwalay na ngayon ang ex niyang si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero, samantalang si Erich ay mukhang super happy at kuntento naman sa napangasawang businessman na si Mateo Lorenzo.


Pero at least, nice to see na may bago na ngang nagpapasaya kay Daniel Matsunaga and sabi nga, he deserves it naman lalo’t he’s still young, alive and kicking! Alive and kicking daw, oh!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page