Ex ni Tom, pumapag-ibig na uli… KA-DATE NI CARLA SA RESTO SA HOTEL, DOKTOR
- BULGAR

- Jul 22, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 22, 2025
Image: Carla Abellana - IG
Usap-usapan online na doctor daw ang ka-date ni Carla Abellana at nag-isip agad ang mga netizens na baka nakilala siya ng aktres noong maospital siya last year. O, baka tama ang paniniwala ng mga netizens na ipinakilala sa kanya ang ka-date ni Karel Marquez at ng husband nitong si Sean Fariñas.
May nagtsika pa na nakita sina Carla at ka-date nito sa resto ng isang hotel at ibig sabihin, hindi nila itinatago ang kanilang pagde-date.
May nag-comment pa nga na kilala niya ang ka-date ni Carla at ang wish nito, ang nasabing guy na ang para sa aktres dahil sabi nga ng marami, deserve ni Carla na maging masaya.
Dahil sa info nito tungkol sa naka-date ni Carla, mas lalong marami ang nagre-request sa aktres na i-face reveal at i-name reveal na niya ang naka-date para raw hindi na mag-isip ang mga Marites.
Speaking of Carla, ini-launch na nito ang business niyang tinawag na ‘Artisana’ na ang products for sale ay handcrafted natural artisan soaps, candles and ceramics na gawa mismo ng aktres. Ang gaganda ng kanyang mga gawa.
Nag-aral gumawa ng scented candles, artisan soaps at pottery si Carla at sinuklian ng mga netizens ang sipag at tiyaga niya dahil sold-out ang mga produkto niya.
Sabi nga ng mga fans ng aktres sa mga bashers nito, hindi lang sa pagrereklamo sa PrimeWater, Converge at sa mataas na tax busy si Carla Abellana, marami siyang ginagawa at isa na rito ang pagtatayo ng business at pagpapalago nito.
TV host, naka-wheelchair na… BIMBY, PALIT KAY KRIS, MAS DOWN-TO-EARTH AT SUPER CHARMING DAW
IN-UPDATE ni Kris Aquino ang mga nagmamahal sa kanya sa mga kaganapan ng buhay niya at buhay ng mga anak na sina Joshua at Bimb.
Sa nag-comment na sana ay ma-meet niya uli si Kris, sagot nito, “I am currently staying at the compound of a very kind friend of my brother. This place is very peaceful and living where I get fresh air and listen to the waves was always my dream.
Too bad I am now wheelchair bound... I still need to learn how to walk again.”
Sinagot din ni Kris ang comment na nami-miss na niya ang kanyang energy.
Sey niya, “That’s the problem. I’m not the same me and I want to give all of you the KRIS you deserve. Parang gremlins kung mag-multiply my autoimmune diseases including the complications. I think you will like watching the 6’2” male version of me because he’s more down to earth, athletic and super charming to all—we will be uploading soon but Bimb will be one going outside and meeting people.”
Marami na ang excited sa ibinalita ni Kris na magkakaroon ng vlog si Bimb at nangako ang mga fans niya na susuportahan ito.
“Yes!” nga ang sagot ng mga supporters ni Kris sa tanong niya na, “Bimb and I are ready. Are you?”
May sagot din si Kris sa suggestion na mag-explore siya ng therapies na magpo-process ng trauma from intense public lives.
Sagot ni Kris, “This has been suggested but I have reached a point where I have forgiven those who never bothered to say they are sorry... I have been blessed in so many ways because all my dreams as a child came true because I had a dad who called me beautiful and many times encouraged me to dream bigger dreams...”
Binanggit din ni Kris na stage mom si Cory Aquino (RIP) at mino-monitor siya sa kanyang mga shows at pati anggulo niya at maling pronunciation ay mino-monitor.
Aniya, “I have nothing at all against therapists but I am very self-aware. I am now on 1 immunosuppressant so we would need to do therapy online. With how sophisticated hackers can be now and how AI can alter a person’s words and facial expression, no thanks. My therapy is listening to Christian and Catholic Contemporary music.”
Ang mga ganitong pakikipag-usap ni Kris ang nami-miss sa kanya ng kanyang mga supporters. Tuloy lang ang dasal natin na gumaling na si Kris.
MARAMI ang na-OA-yan sa anniversary greetings ni Ruru Madrid sa girlfriend na si Bianca Umali, pero nang basahin namin ang message ng aktor, wala kaming napansin na OA siya. Mga bashers talaga!
Sabi ni Ruru, “Pitong taon ng pag-ibig. Hindi perpekto, pero totoo. Hindi man laging tugma, pero palagi nating pinipili ang tama. Tayo pa rin. Tayong dalawa. Hanggang dulo—ikaw at ako. Sa ‘yo lang ang tingin.
“Mahal na mahal kita. Happy 7th anniversary, Maria Isadora Bianca.”
Ano ang OA sa anniversary message na ito ni Ruru? Hindi rin OA ang sagot ni Bianca na, “Mahal ko... mahal na mahal kita. Sobra, sobra, sobra.”
Samantala, marami ang pumuri kay Bianca sa stunts na ginawa niya sa Sang’gre. Ang husay daw niya at tama raw ang GMA na sa kanya ibinigay ang nasabing serye dahil pinaghirapan at pinaghandaan at kita naman sa mga execution.










Comments