Ex ni Richard, nag-iilusyon lang daw… SARAH, BIBILI NG P349 M NA BAHAY SA PARIS PERO MGA BAGS AT ALAHAS, FOR SALE
- BULGAR

- 7 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | April 18, 2026

Photo: Sarah Lahbati - Instagram
Naba-bash na naman si Sarah Lahbati dahil may balitang nagbigay ng discounted price ang ilang luxury items niya na naka-consign sa isang local shop for designer goods, ang Bag Hub.
Bukod pala sa nag-offer sila ng best price, may offer pa silang installments up to 12 months. May particular credit card silang nabanggit.
Marami naman ang nagsasabing magaganda ang ibang bags ni Sarah kaya may mga nabenta raw agad.
Bukod sa bag ay may alahas na ipinabebenta rin ng aktres, pero iisa lang ‘yun at puro bag na ang karamihan.
Anila, “Pakitingnan ang album ni Sarah Lahbati sa aming website para sa karagdagang detalye ng produkto.”
Si Sarah ay na-feature kamakailan lang sa The Parisian Agency: Exclusive Properties Season 6 (L’Agence) na napapanood sa Netflix dahil naghahanap daw ng bahay na matitirhan nila ng dalawang anak sa Paris.
Sinabi niya sa show kung magkano ang budget niya sa hinahanap na bahay at iyon daw ay nasa €5 million (Euro), na base sa conversion sa Google, umaabot sa P349 million.
Na-bash ang estranged wife ni Richard Gutierrez na nag-iilusyon lang daw siya sa pagbili ng bahay sa Paris dahil bakit heto’t nagbebenta raw ito ngayon ng kanyang mga personal na gamit.
Sabi naman ng kanyang mga supporters, “At least, na-feature s’ya sa nasabing reality show.”
At saka puwede naman daw na hindi in cold cash ang bayad ni Sarah Lahbati kung sakali.
Wa’ raw paki sa krisis…
KATHRYN AT MAYOR MARK, PANAY TRAVEL ABROAD, SPOTTED NA NAMAN SA AIRPORT
NAMATAAN na naman umano sa isang paliparan sina Kathryn Bernardo at Lucena Mayor Mark Alcala.
Magkasama na naman daw sila sa isang international trip.
Isang video nila na namataan sa airport ang muling umani ng samu’t saring reaksiyon online. Karamihan sa mga negatibong reaksiyon ay nakadirekta sa pulitiko.
Kinuwestiyon ng ilang netizens ang madalas na pagbiyahe sa ibang bansa ng Lucena mayor. Anila, sa isang lingkod-bayan, ang paulit-ulit na pagliban ay maaaring ituring na kawalan ng kahusayan at responsibilidad, lalo na’t nahaharap ang bansa sa patuloy na pandaigdigang tensiyon na dulot ng digmaan.
Tungkol naman sa aktres, na may malaking impluwensiya, umani siya ng kritisismo dahil sa pagiging apolitical, at may ilan na nagsasabing ito ay nagpapakita ng kawalan ng pagmamalasakit at kabiguang gamitin ang kanyang plataporma nang responsable kahit para sa kapakinabangan ng kanyang milyun-milyong tagahanga.
Samantala, ang pelikulang Elena 1944 ni Kathryn ay nahaharap sa kawalan ng katiyakan dahil sa mga problemang pinansiyal.
Ang kanya namang proyekto na pinagsamahan nila ni James Reid ay malapit na raw mapanood sa Netflix at Kapamilya Channel.
BF ng aktres, nagselos daw… MAYMAY AT DONNY, NAG-UNFOLLOW SA ISA’T ISA SA SOCMED
MAY hindi kaya magandang pagkakaunawaan ang magkaibigang Maymay Entrata at Donny Pangilinan kaya sila nag-unfollow sa isa’t isa?
May nagkomento na, “Hahaha! Uy, lover’s quarrel, chariz. Ho-hopia (aasa) na naman love team nila.”
Pansin naman ng ibang fans, “Mukhang in-unfollow at ini-remove ‘yun ni Maymay as follower. Wala namang bad blood si Donny mismo sa kanya, baka nagselos ang dyowa ni Maymay.”
“Baka seloso talaga ang boyfriend ni Maymay.”
“Sorry, may issue ba sila?”
“Why? Were they ever an item?”
“Or it’s the other way around. Some fans are delusional.”
Nang hindi kasi nag-boom ang team-up nina Maymay at Edward Barber, sina Maymay at Donny naman ang ginawang love team ng kanilang home studio, na nag-click naman bilang MayDon.
Pero nang umeksena na si Belle Mariano ay biglang na-freeze ang MayDon love team hanggang sa nag-solo flight na lang si Maymay.
Gayunman, ang mga fans ng dalawa ay naroon pa rin at hindi sila iniiwan.
May nagkomento pa ngang, “Sobrang delulu (delusional) ng mga fans ng MayDon, ‘kala mo naman. Ayaw respetuhin si Maymay, eh, may dyowa na nga.”
“Talaga ba? Malapit si Maymay sa family ng Pangilinan, including Gary V.. Kung nag-unfollow sila sa isa’t isa, malala siguro. Also, sa agency nina Donny si Edward.”
Anyway, kung anuman ang isyu nina Maymay Entrata at Donny Pangilinan, tiyak na may malalim na dahilan.




Comments