Ex ni Richard, karapatan daw sumaya… SARAH, PROUD NA PROUD NANG IDINIDISPLAY ANG CEO BF SA MADLANG PIPOL

ni Nitz Miralles @Bida | November 15, 2026

Photo: Sarah Lahbati music gig - IG
Nag-post si Sarah Lahbati ng bagong photo nila ng kanyang boyfriend sa Instagram (IG) Story at may short caption na, “We are so back.”
Sa photo, nasa restaurant ang dalawa, magkaharap at nakatingin sa camera ang BF ni Sarah. Mas malinaw na nakita ang mukha nito at makikitang foreigner ang features.
Walang naka-tag sa post ni Sarah, hindi alam ang name ng kasama sa photo. Pero marami na ang nakakaalam na ang rumored boyfriend niya ay si Mikhail Schemm, CEO at founder ng Third Culture Entertainment at nagpapatakbo ng Film Concerts PH. Involved din daw ito sa music at mga events.
May nag-comment nga na baka isa ang BF nito sa naka-influence kay Sarah kung bakit pinasok na nito ang singing. May naka-schedule nga siyang gig last November 4, hindi lang natuloy dahil nagkasakit siya.
Anyway, maganda ang reaction ng mga netizens sa rumored BF ni Sarah. Masaya sila para sa kanya. Deserve rin daw maging masaya ng aktres at may mga comment na, “Happy for you, Sarah,” “May karapatan sumaya si Sarah,” at “She’s wife material.”
Dahil mukha namang hindi na itinatago ni Sarah ang relasyon nila ng rumored boyfriend, makakasiguro tayo ng more sightings sa kanila.
Bimby, todo-alalay sa madir…
KRIS NAPAPADALAS NA ANG PAGRAMPA IN PUBLIC
IKINATUTUWA ng mga nagmamahal kay Kris Aquino na mas madalas na siyang nakikita sa labas ng kanyang bahay na hindi laging nakahiga. Ang pinaka-latest na pagkakakita sa Queen of All Media with Bimby Aquino ay sa Christmas Tree Lighting sa Okada Manila.
Masaya rin ang mga fans na makabasa ng magandang balita tungkol sa kanya na hindi lang health updates. Iba raw ang pakiramdam nila na makita si Kris na nakangiti at nasa labas ng bahay.
Sa kanyang speech, nabanggit ni Kris na trouper (matatag) siya, ayaw niyang sumuko kahit may health issues pa siya. Nakakatuwa na nakaalalay si Bimby sa mom niya habang nagsasalita ito, nakahawak siya sa hips. Ipinakilala siya ni Kris as ‘my son who takes great care of me’.
Hindi agad umalis si Kris sa event, umupo ito at nanood sa performance ng mga guest performers that night na mga kaibigan niya at nami-miss makita.
BFF na si Mikee, kinakampihan daw…
KATE, GUSTONG SUNUGIN ANG MGA FANS NI PRIMO
NAKATIKIM ng talak mula kay Kate Valdez ang fans ni Pinoy Big Brother Collab 3.0 (PBBC3.0) housemate Primo Alterado dahil inakusahan ang Kapuso aktres na biased toward her friend Mikee Quintos.
Nagla-live sa TikTok si Kate nang hingan ng opinion sa naging isyu nina Mikee at Primo sa loob ng Bahay ni Kuya. Noong una, hindi sinagot ni Kate ang mga fans. Hindi lang talaga sila tumigil sa pangungulit sa kanya na magbigay ng opinyon.
Naiyak si Kate sa pag-atake sa kanya ng mga fans ni Primo gayung wala naman siyang kinalaman sa isyu. Napilitan itong itigil ang kanyang livestream, pero bumalik din at matapang na naglabas ng kanyang saloobin.
Matapang ang naging pahayag ni Kate, at sabi ng mga fans, inilabas nito ang pagiging Mira sa Sang’gre (Encantadia). Sa pahayag ni Kate, ramdam ang galit sa mga nangulit sa kanya.
Sey ng aktres, “Nakakatawa kayo! Grabe mindset n’yo, wala akong masabi. Ano, ‘yan na lang talaga? ‘Yan na lang ‘yung capacity n’yo? Diyos ko naman. Kung nasa akin ang brilyante, sinunog ko na kayo lahat, eh! Mga pashnea, ashtadi! ‘Kaloka!
“Gusto ninyong magpakatotoo, ‘di ba? Oh, ‘yan, nagpakatooo na; tapos ayaw n’yo. Ang gulu-gulo n’yo, Beh... Parang feeling ko kayo ‘yung toxic... Diyos ko.”
Nag-agree kay Kate ang mga netizens na maraming fans ang toxic at kapag hindi kagaya ng sa kanila ang opinyon, bina-bash. Natuwa ang Encantadia fans, inilabas daw ni Kate ang pagiging diwata at nabugahan ng apoy ang tagahanga ni Primo na mahilig manita.
Ang daming isyu sa PBBC 3.0, at kagabi ang eviction night. By now, nalaman na kung sino ang natanggal sa Bahay ni Kuya. But for sure, kung sinuman ang unang lumabas, magkakaroon ng career at kung may narating na, makakatulong ang pagiging housemate niya.





Comments