ni Ambet Nabus @Let's See | June 1, 2024
Usapang young star pa rin.
Natuwa rin kami sa make-up challenge ni Kyline Alcantara na pinag-uusapan ngayon sa socmed.
Talagang halos lahat na lang yata ng mga negatibong bansag o salita na ipinukol kay Kyline ay sumambulat sa frame ng post gaya ng “Ambisyosa, feelingera, pa-victim, malandi, clout chaser, etc. etc.,” pero positibo niya itong tinanggap at tila ginawang inspirasyon para sa transformation niya.
Maganda ang konsepto ni Kyline na tila na-misunderstood sa showbiz at laging ang pagiging nega ang nakikita sa kanya ng marami, lalo na matapos ang breakup nila ni Mavy Legaspi.
Well, nakakatuwa ‘yung make-up challenge at nakaka-good vibes siya dahil despite those negative words na tila ini-interpret at ini-internalize ni Kyline via showing her emotions and facial expressions, nagbubunga ito ng positive effect.
Kumbaga sa production number, very interpretative ang datingan, hahahaha!
Comments