Ex ni Jackie Lou, in love uli… RICKY, BINITBIT SA PRESSCON ANG BAGONG GF
- BULGAR
- Jun 13, 2023
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 13, 2023

“Ginri” ang tawag sa love team ng dalawang bidang direktor na sina Direk Gina Alajar at Ricky Davao sa pelikulang Monday First Screening produced ng NET 25 Films na idinirek naman ni Benedict Mique.
Love story ito ng dalawang senior citizens na sina Gina at Ricky at kaya Monday First Screening ay dahil ina-avail nila ang libreng sine kapag Lunes bilang isa sa mga benepisyo ng mga senior citizens.
“Nahihiya naman akong hindi nagbabayad. Ang sarap kapag may (senior card), I called my card a handsome citizen card, that’s 20% discount in food, medicine, groceries, kaya ine-enjoy na namin and very thankful sa government na may ganito,” kuwento ng aktor.
Puro na lang rom-com tungkol sa kabataan o mid-30’s or 40’s ang napapanood nating kuwento ng pelikula o programa, paano naman ang mga may-edad na tumitibok pa naman ang puso para magmahal?
Ito ang naisip ni Direk Benedict kaya niya isinulat ang Monday First Screening ilang taon na ang nakararaan.
Hindi first time na nagsama at naging partners sa pelikula sina Direk Gina at Direk Ricky.
Pero anila, “Nagulat kami kasi sa edad naming ito, magkakaroon kami ng kuwento na love story, so, we’re very lucky and I’m sure Gina is very lucky na may love story about our age at ang sarap pala.”
Habang nagsasalita si Direk Ricky ay ang ganda-ganda ng kanyang mga ngiti sa dahilang kasama pala niya sa mediacon ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso at inamin din niyang in love siya ngayon. Sabi nga ng aktor-direktor, “Don’t stop living, enjoy life.”

Kung in love si Direk Ricky ay kabaligtaran naman ito ni Direk Gina dahil pagkatapos nilang maghiwalay ng ex-husband niyang si Michael de Mesa ay hindi na siya nagkaroon ng karelasyon.
Ang katwiran niya, “I’m always in love with my grandchildren, my family and of course with God.
Hindi ko naman ipinagdarasal ‘yun (magkaroon ng love life), baka ibigay, eh, hindi ako ready.
“Kasi nag-e-enjoy ako sa buhay ko ngayon at wala akong responsibilidad kahit kanino, sa mga apo ko lang ako may responsibilidad, sa mga anak ko, wala na rin, sa sarili ko na lang.
“So, baka kung ma-in love ako, eh, baka mawala ang mga isip ko sa mga apo ko, ‘wag na lang. Isinara ko na (pinto),” katwiran ng aktres-direktor.
Samantala, nanghihinayang kami at hindi kami nakapanood ng premiere night ng Monday First Screening kahapon sa EVM Convention Center dahil kinailangan naming magtapos ng deadline.
Sana mapanood ang nasabing movie sa mga sinehan dahil plano itong ipalabas sa ibang bansa at pagbigyan ang mga magpapa-block screenings.
Kasama rin sa pelikula sina Soliman Cruz, Che Ramos, David Shouder, Allen Abrenica, Reign Parani at Ruby Ruiz.





Comments