Ex ni Bea, nega… DOMINIC, ITINAOB NA SI GERALD SA DAMI NG FOLLOWERS SA IG
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 10, 2022

Mahirap na ngang maibalik ni Gerald Anderson ang tiwala sa kanya ng publiko dahil sa kanyang “ghosting” issue.
Nakakabit na 'yun sa kanyang imahe kaya hindi na nadaragdagan ang kanyang mga followers sa social media.
Nasa 1.1 million ang followers ni Gerald samantalang si Dominic na BF ni Bea Alonzo ay nakakuha ng 2.4 M followers at patuloy na tumataas pa.
Tinalo na nang tuluyan ni Dominic si Gerald sa dami ng followers ngayon. Patunay lang ito na hindi pa rin napapatawad ng mga fans ang ginawa niyang panloloko noon kay Bea Alonzo.
Si Dominic ang nagsilbing “knight in shining armor” ni Bea Alonzo.





Comments