top of page

Ex ng mister… MAXENE, DAWIT SA HIWALAYAN DAW NINA ANGEL AT NEIL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 14, 2022
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 14, 2022



Isang malaking palaisipan sa marami ang pananahimik ngayon ni Angel Locsin sa social media.


hindi na siya nagparamdam at hindi na rin nag-post ng mga larawan nila ng mister na si Neil Arce sa kanyang Instagram account.


Inakala pa naman noon ng malalapit nilang kaibigan na masaya ngayon sina Angel at Neil na nagha-honeymoon sa Spain.


Pero, may mga bulong-bulungan sa showbiz circle na may malaking problema raw ang mag-asawa.


May tsika na may third party involved sa part ni Neil at ang aktres na si Maxene Magalona raw na kahihiwalay lang din sa kanyang mister ang itinuturong dahilan kaya nagkaproblema ang relasyong Angel-Neil.


Dating magkarelasyon sina Maxene at Neil bago pa naging GF ng mister ni Angel si Bela Padilla.


Kumakalat ngayon na nagkabalikan daw sina Maxene at Neil.


Pero, ang mga kaibigan nina Angel at Neil, hindi naniniwala rito at ipinagdidiinang fake news ang ikinakalat ng ilang vloggers sa YouTube.


Ang nakapagtataka lang, bakit mismong si Dimples Romana na BFF ni Angel Locsin ay walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa showbiz couple? Wala raw silang komunikasyon ni Angel at hindi niya alam kung nasaan ang aktres.


May ilang netizens naman ang nagsasabing gimmick lang ang lahat at gusto lang ni Angel Locsin na magpa-miss sa kanyang mga fans. Ayaw ding paniwalaan ng marami na buntis na si Angel kaya pansamantalang nananahimik at nagtatago.


Well, marami ang abangers ngayon sa latest update kina Angel Locsin at Neil Arce. Sino kaya sa kanila ang unang magsasalita para linawin ang mga naglalabasang issues?!


Para sa mga tagahanga ni Angel Locsin, naniniwala silang lilitaw at magsasalita rin ang aktres para linawin ang lahat. Dasal ng mga tagahanga ni Angel, sana ay hindi totoo na maghihiwalay na sila ni Neil. Sayang naman ang mahigit 5 taon ng kanilang pinagsamahan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page