top of page
Search
  • BULGAR

Ex mo raw talaga ang may problema, Dominic… ZANJOE AT GERALD, PAREHO NANG HAPPY, BEA, SAWI PA RIN SA PAG-IBIG

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 23, 2024




Ang harsh naman talaga ng ilang Marites kung makapag-comment at makapag-judge na sa tingin daw nila ay si Bea Alonzo talaga ang may problema kaya iniiwan ng mga nagiging karelasyon nito.


Bagama't sa kaso nina Bea at Dominic Roque ay mukhang ang aktres ang umatras sa kasal — na wala namang malinaw na dahilan kung bakit — naniniwala pa rin ang ilan na may mga ugali si Bea na mahirap intindihin kaya laging nauuwi sa hiwalayan ang kanyang mga nagiging relasyon.


Sabi pa ng ilang Marites, nu'ng nag-break daw kasi sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo, ang underdog ay ang huli dahil ang tingin ng marami sa aktor ay playboy at hindi marrying type.


Ghosting issue naman ang ibinato kay Gerald Anderson na huling nakarelasyon ni Bea bago niya naging boyfriend si Dominic Roque.


Pero sa scenario raw ngayon na nag-propose na si Zanjoe sa one year pa lang na girlfriend na si Ria Atayde, pinatunayan ng aktor na tamang babae lang ang hinahanap niya na maaaring nakita niya agad kay Ria kaya kahit 'di pa tumatagal ang kanilang relasyon ay niyaya na agad niya itong magpakasal.


Sa case naman ni Gerald, magti-three years na silang magkarelasyon ni Julia Barretto ngayong 2024 and so far, mukhang getting stronger naman din ang kanilang relasyon.


At 'yun na nga raw, heto si Bea at ikakasal na lang, nauwi pa sa hiwalayan.


Naku, ha? Hindi naman madali ang pinagdaraanan ni Bea, kaya kung 'di rin lang makakatulong ang comment ng mga Marites, puwede bang manahimik?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page