top of page

Ex mo, Jeric, ang bilis daw bumigay… RABIYA AT JAKE, HOLDING HANDS WHILE WALKING SA MALL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | April 7, 2026



BIDA - RABIYA AT JAKE, HOLDING HANDS WHILE WALKING SA MALL/IG @juancarloscuenca & @rabiyamateo

Photo: IG @juancarloscuenca & @rabiyamateo



Tila Rockwell ang favorite pasyalan ngayon ng mga couples at dito spotted ang newest showbiz couple na sina Rabiya Mateo at Jake Cuenca. 


Holding hands na naglalakad ang dalawa at may instance pa na humilig sa balikat ng aktor ang beauty queen-aktres. 


Sa body language, ramdam na nagtatawanan ang dalawa.


Ang pagiging nonchalant siguro ng mga tao ang rason kung bakit dito napili nina Jake at Rabiya na mag-malling. Kahit marami silang nakasalubong, walang pumapansin sa kanila. May tumingin lang, pero hanggang doon lang at walang muling lumingon o nanghingi ng selfie, kaya tuluy-tuloy ang kanilang lakad.


Sa kabilang banda, hindi mabait ang mga comments kina Rabiya at Jake sa latest sighting sa kanila. Exclusively dating pa lang daw, magka-holding hands na. 


May nag-react naman sa suot nina Jake at Rabiya, bakit daw ganoon ang kanilang mga suot kahit wala namang mali.


May comment pa na nagsisisi siguro si Chie Filomeno at may nagsabing mas okay pa rin si Jeric Gonzales na ex ni Rabiya. 


May comment pa na another beauty queen for Jake, at may nagsabi ring ang bilis daw bumigay ni Rabiya Mateo. 


Kay Jake Cuenca naman, ang bilis nitong ma-in love at makahanap ng babae.





Gaya-gaya raw kay Nadine…

KATHRYN, IRE-REMAKE ANG FENG SHUI NI KRIS



HINDI lang pala ang hard launch ng relasyon nina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala ang balita sa aktres. May magandang balita rin sa kanyang career at hindi lang ang TV series nila nina James Reid at Maja Salvador na Someone, Someday (SS) ang aabangan ng kanyang mga fans.


Gagawin at pagbibidahan din daw ni Kathryn ang sequel ng pelikulang Feng Shui na pinagbidahan dati ni Kris Aquino, at ang magiging title ay Feng Shui Curse: Reborn (FSCR)


Kasama ito sa mga films na gagawin ng Star Cinema this year, bagay na nagpa-excite sa mga fans ni Kathryn.


Actually, project pa lang ang in-announce at hindi pa nababanggit ang lead actress na magbibida. Mata pa lang ang ipinakita, pero sabi ng mga fans ni Kathryn, siya ang nasa likod ng mga mata sa announcement. 


Kahit may nagsabing parang mata ni Judy Ann Santos ito, sigurado ang mga fans na si Kathryn ‘yun.


Hindi kami sure kung first horror film ito ng aktres. May nag-comment lang na gaya-gaya siya kay Nadine Lustre na nauna nang gumawa ng horror film. 

So, ang tanong ng mga fans ni Kathryn sa fan ni Nadine, exclusive raw ba kay Nadine ang paggawa ng horror movies?


Anyway, after ng hard launch nina Kathryn at Mayor Mark, wala na uling balita sa kanila. Gusto pa naman ng mga fans ng update sa relasyon ng dalawa. Bakit daw tila balik sila sa pananahimik at hindi pagpapakita sa publiko? Kailan daw uli sila magpapakita in public?





ANG daming isyu sa hard launch nina Will Ashley at Mika Salamanca ng kanilang relasyon. Ang daming mga bashers ng dalawa. Ginawang isyu ang age gap nina Will at Mika, gayung two years lang naman ang tanda ni Mika (27 years old) kay Will (25 years old).


Heto pa, nanghihingi ng apology ang DustBia fans nina Dustin Yu at Bianca de Vera na deserve raw ang biggest apology.


Sey ng isang fan, “From each one of you who put them in hell just because of your ill-intended actions of manipulating people to believe that DB (Dustin at Bianca) didn’t deserve each other, just to push your ugly-ass ship.”


Sagot ng MikWill fans, bakit daw sila mag-a-apologize? Comment pa ng isa, ang OA (overacting) para sa apology. Kung magso-sorry man daw, dapat sa tamang tao, hindi ibino-broadcast sa publiko at hindi sa mga taong mahilig makisawsaw at pala-desisyon. 


Sey nga ng isang fan, “Apology should be personal, not performative. OA!”

Anyway, kung may mga hindi masaya sa relasyon nina Will at Mika, suportado naman sila ng kanilang mga kaibigan pati na ng kasama nila sa Bahay ni Kuya sa Season 1 ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE).

Comment ni Ivana Alawi, “Cuties.”


Sabi ni Zeinab Harake, “Love you both.” 


Comment naman ni Shuvee Etrata, “Mga classmates namin.” 

“Hi, Batchmates!” naman ang comment ni Klarisse de Guzman.

Hindi pa tapos ang isyung ito at siguradong magpupuksaan pa rin ang mga supporters ng DustBia at MikWill fans. Ang sarap basahin ng mga comments nila, ang dami naming nalalaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page