top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ex mo, Daniel, tinuruang magmaneho… KATHRYN AT ALDEN, "M.U." na!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 4, 2024
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 4, 2024



Showbiz News
File Photo: KathDen

Mag-"MU" (may mutual understanding) na raw sina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Ito ang ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog.


“Nabalitaan ko lang ito, ‘yung tungkol kay Alden at kay Kathryn, na sila ngayon ay. . .” simula ni Ogie na ibinitin pa ang sasabihin.


Kasunod nito, aniya, “Eh, sila nang bahalang sumagot kung totoo ba, Kathryn at Alden, na kayo’y mag-MU na?”


Sigawan naman sa kilig ang mga co-hosts ni Ogie na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.


Hirit pa ni Ogie, “May mutual understanding. So, feeling ko, papunta na ‘yan du’n.”


Sey pa niya, “Kasi naman, ito raw si Alden, eh, lagi at madalas na nasa bahay ng mga Bernardo. Tapos, tinuru-turuan pa ni Alden si Kathryn magmaneho. Paikut-ikot sila ru’n sa subdivision.”


Bukod dito ay spotted nga rin sila na magkasama sa isang mall sa BGC, Taguig at tila nag-date ang dalawa kasama si Alora Sasam.


Pinagpiyestahan din ng mga fans ang pagsasama nila sa nakaraang FAMAS Awards Night na tila hindi mapaghiwalay. Ang tsika pa ay super-bantay nga raw si Alden kay Kathryn that night.


Kung bakit MU pa lang muna ang dalawa, say ni Ogie, “Sabi lang ng source ko naman ito – na hindi raw minamadali nu’ng dalawa na maging sila pero meron silang unawaan. So, meron nga silang MU.”


Anyway, hopefully ay aminin ng KathDen if ever nga na maging official na sila lalo pa nga’t for sure ay ikatutuwa ito nang bonggang-bongga ng kanilang mga fans.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page