top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ex-mister, "my life" raw si Abby... AIKO KAY JOMARI: SANA ISAMA MO SA BUHAY MO ANG MGA ANAK MO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 17, 2022
  • 2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | October 17, 2022



Ipinakilala na ng Regal Entertainment at GMA Network ang cast ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters na tungkol sa magkakapatid sa ama at iba-iba ang ina.


Pinagbibidahan ito nina Aiko Melendez (Lily), Thea Tolentino (Dahlia), Iris (Angel Guardian), at Beauty Gonzalez (Violet).


Ito rin ang pinakamalaki sa scope at sa cast at pinakamahaba ang airing dahil 11 weeks daw ito tatakbo. Kaya, kinailangang tatlo ang directors na nagtulung-tulong to give the viewers a very good material.


Sina Directors Ian Loreños, Nick Olanka at Xion Lim ang tatlong directors ng GMA-7 series.


Present sa mediacon ang COO at vice-president ng Regal na si Roselle Montevede na sinabing very proud siya sa third installment ng Mano Po Legacy.


“Three generations ang story nito. Ang simula ng story, mga anak, at ang mga apo. Puro challenging ang mga roles.”


Ayon naman kay Joey Abacan, GMA Network’s First Vice-President for Program Management, magiging dramatic ang series.


“Every time we produce a Mano Po series, we want to make sure that this will be a little bit bigger.


I’m sure the story is going to be very good. Ibabalik natin ‘yung drama that we did for Mano Po 1. There are more catchy lines. And we have an amazing cast for this third installment.”


Inamin ni Aiko na nakaka-pressure ang ginagampanan niyang Lily character na sabi nito, si Mother Lily ang peg.


“After watching the trailer, with a big bang nga ang comeback ko. Sana, after this, movie naman sa Regal ang gawin ko,” sabi ni Aiko.


Happy at privilege si Beauty na mapasama sa cast ng series at finally, makatrabaho si Aiko na dati, nakatapat niya ang soap. May usapan na silang magkakape isa sa mga araw na ito at magkukuwentuhan lang ng non-showbiz stuff.


Balik-bida naman dito si Thea. Aniya, “Lagi akong kontrabida, dito, mabait ako. Nagulat ako sa trailer, hindi ako sanay na bida ako. Mahirap ang mabait na role, mas gusto ko ‘pag salbahe ako.”


Blessed naman ang feeling ni Angel na makasama sa apat na bida ng MPL4 Sisters.


“Blessed and grateful na part ako ng main cast. Suwerte ako to be working with the cast dahil magagaling sila. Excited akong matuto pa,” sabi nito.


Speaking of Aiko, may reaction ito sa anniversary message ni Jomari Yllana kay Abby Viduya na “My first and my last, my love and my life. Everything makes sense since you came back.”


“Sana, isama niya sa life niya ang mga anak niya. Kung happy siya sa love life niya, sana isama niya sa buo niyang life ang mga anak niya, si Andre at ang iba niyang mga anak. Si Andre, walang tampo at galit at naiintindihan niya ang tatay niya. Sana, one day, magkasama sila. Gustung-gusto ni Andre na makita si Jomari, kaya lang, baka busy siya,” reaction ni Aiko.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page