top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ex-mister, 'di raw iiwan sa kaso… BIANCA KAY VHONG: SA 'YO AKO HANGGANG HULI

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2022
3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 23, 2022


Nangyari na ang isa sa mga kinatatakutan ni Bianca Lapus at iba pang malalapit na tao sa komedyante at TV host na si Vhong Navarro, ito ay ang paglipat kay Vhong sa Taguig City Jail.


“Yes, ‘yun talaga ang ikinakatakot namin. Pero ‘yun na nga, lumabas ‘yung court order na ililipat nga raw siya. Kaya mga ilang araw na akong hindi natutulog. Mula nu’ng isang gabi na nalaman ko. Tapos kahapon nga, lumabas na ‘yung balita. So, idinaan ko na lang sa red lipstick at sa concealer ngayon. Pero sa totoo lang, ilang araw na kaming hindi natutulog mag-ina (sila ng anak nila ni Vhong na si Yce Navarro),” paglalahad ni Bianca nu’ng makausap namin few days bago nailipat si Vhong sa Taguig City Jail noong Lunes.


Sobrang lungkot tiyak ni Bianca, especially ni Yce, ngayong nasa Taguig City Jail na ang kanyang ama.


Ayon sa kuwento ni Bianca sa amin during the grand launch ng Miss Supermodel Philippines ng Velvet Media kung saan ang ex-wife ni Vhong ang marketing director, nakaalalay siya nang husto kay Yce.


“Inaalalayan ko ang anak ko kasi very emotional na si Yce. Nagmana si Yce sa akin, emotional siya, iyakin siya. Basta pagdating sa family, iba ‘yung feels niya. Maano siya, loving kasi talaga ‘yung si Yce, very family-oriented. Siyempre, lalo na't close siya sa dad niya. So, ‘yun, nag-open-up siya sa akin na halu-halo na ‘yung pakiramdam niya,” sabi ni Bianca.


Dagdag pa niya, “So, ako, bilang nanay, nakaalalay lang ako. Sinasabihan ko lang siya ng mga encouraging words para hindi naman, huwag namang mabalutan ng galit at saka lungkot ‘yung nararamdaman niya.”


Nakakaramdam daw ng galit si Yce sa nangyayari sa kanyang ama.


“Uh, bilang nanay, naawa ako sa kanya. Kasi nagbi-build-up na ‘yung galit niya. ‘Yung frustration, nagiging hopeless siya. Binabaliktad ko ‘yun.


“Sabi ko kay Yce, ‘Huwag mong isipin ‘yun. Kailangang maging matatag ka. Maniwala ka na the truth will prevail and your dad will be free.


“'Yun lagi ang sinasabi ko sa kanya. Kasi ‘di ko rin naman ma-control kasi siyempre, sa nangyayari, ibinasura ‘yung motion for reconsideration, ibinasura ‘yung mag-stay siya sa NBI.


Hindi mo na alam ‘di ba kung ano pa ang puwedeng mangyari, kaya ayun.”


Si Yce raw ang nagkukuwento kay Bianca sa kalagayan ni Vhong habang nasa detention cell ng NBI.


“Lagi lang nagbibilin si Vhong. Ayaw niyang ipakita ‘yung nagpapaka-strong siguro siya sa harapan ng mga anak niya. Pero alam naman ng mga anak niya na nahihirapan siya. Kasi sabi ni Yce, ‘yung kinakain ng mga ibang nandoon, ‘yun din ang kinakain niya.


“‘Pag idine-describe ni Yce sa akin kung ano’ng suot niya, ano'ng hitsura ngayon, naaano ako, nadudurog ang puso ko. Kasi hindi ko talaga ma-imagine na nandoon na siya sa kalagayan niyang ‘yun. But I’m still ano, hoping and praying na magiging fair ‘yung magiging takbo ng hearing at ‘yung magiging desisyon. Basta kami, firm kami na… especially ako, I will stand by him talaga till the end,” diin pa ni Bianca.


Samantala, isa sa mga punong-abala sa kauna-unahang Miss Supermodel Philippines search si Bianca. Ang franchise owner na si JJ Maghirang at wife nito na si Mae Maghirang na siya namang national director ng Miss Supermodel Philippines ay business partners ni Bianca.


Winner ang candidate nating si Alexandra Rosales sa Miss Supermodel Worldwide 2022.


Ang mag-asawang sina JJ at Mae ang nagdala kay Alexandra para mag-compete sa Miss Supermodel Worldwide 2022 na ginanap sa Jaipur, India last October 15.


“Nag-usap-usap kami at napagdesisyunan namin na it’s about time na ipakilala rin natin siya rito para mas marami ang maka-join na, alam mo naman dito, mahilig tayo sa mga beauty pageants na talaga namang laban na laban ang ating mga Pilipina beauties. So, more chances of winning kapag more pageants ang legit na puwede nilang pagsalihan,” pahayag ni Bianca.


Natawa naman si Bianca nu’ng sabihin namin na siya na ang bagong Stella Marquez-Araneta na former owner ng Binibining Pilipinas beauty pageant.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page