top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Ex-misis, never nang babalikan… TOM, MAY IPINALIT NA KAY CARLA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 2, 2024





Sa latest interview ni Tom Rodriguez kay Nelson Canlas ng 24-Oras, inamin niyang he’s dating someone now, pero ayaw na niyang magdetalye pa sa pagkatao ng kanyang bagong inspirasyon at new found love. 


Two years na namalagi si Tom sa USA nang maghiwalay sila ni Carla. 


Sa kanyang pag-alis ng ‘Pinas, sinikap ni Tom na maka-move on sa nangyari sa kanilang marriage. 


Ngayo’y back to work na si Tom at may mga projects na siyang gagawin. Alam ni Tom na hindi maiiwasan na muli silang magkita ni Carla sa bakuran ng GMA Network kaya wish niya na sana’y maging payapa, maayos at walang galit o kahit bitterness sa puso ng ex-misis. 


Ang inaabangan naman ng lahat ay kung magso-sorry ba ang aktor sa dating asawa sakaling magkita silang muli.


May dati kasing litanya si Carla na papaano siya magpapatawad sa isang taong hindi naman nagso-sorry. 


Well, hindi na rin naman magiging isyu kay Carla kung may kapalit na siya sa puso ng dating mister. Gusto na rin niya ng tahimik na buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page