top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ex-misis, may hugot na naabuso… TOM, IPINAGDIINANG NEVER SINAKTAN SI CARLA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2023
  • 1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 18, 2023




Sa interbyu ni Boy Abunda kay Carla Abellana sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ng aktres na wala na siyang galit sa ex-mister na si Tom Rodriguez.


Kahit hindi raw naging maganda ang kanilang paghihiwalay ay napatawad na niya ito.


Aniya, kailangan niyang magpatawad dahil siya raw ang nagbibitbit ng sama ng loob kapag hindi niya ito ginawa.


Naging sukdulan lang daw talaga ang galit niya sa dating asawa na humantong nga sa hiwalayan.


At para siya makapagpatawad ay kinailangan niyang patawarin muna ang kanyang sarili.


“For you to be able to forgive, kailangan po ako, Tito Boy, ang lagi kong sinasabi, I have to forgive myself first. So yes, I have. Wala man po sa hitsura, but I have.”


Dagdag pa niya, mahirap daw magbitbit ng galit.


“Galit, wala na po. Ang hirap pong magbitbit ng galit."


Matagal na naging mag-boyfriend sina Carla at Tom bago nagpakasal.


Ayon sa Kapuso actress, wala sa tagal ang sukatan sa pagkilala sa isang tao.


Samantala, ayon kay Tom, pinal na ang inilabas na divorce decree sa kasal nila ni Carla.


Hangad niya umanong matupad ang birthday wish ng dating misis na maging masaya na ito.


Tanggap na rin daw niya ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward na rin siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres.


Gayunpaman, pahayag niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay ang ex-wife kahit may hugot si Carla na diumano'y naabuso siya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page