Ex-love team, ginagamit lang daw niya… BEA: PAREHO KAMING NAKINABANG NI JOHN LLOYD
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 15, 2022

Bongga ang mga sagot ni Bea Alonzo sa mga mean comments sa kanya ng mga netizens na napapanood ngayon sa kanyang YouTube vlog.
Isa na nga rito ay ang akusasyon na user siya, sinungaling at gimikera, na ginamit lang daw niya si John Loyd Cruz at ngayon naman ay naggagamitan lang sila ng boyfriend na si Dominic Roque.
“Ginagamit ko raw si John Lloyd? Parang okay lang din namang magpagamit daw siya. Charot!” natatawang sabi ni Bea.
Kidding aside, sey ng aktres, “Magkasama kami sa 20 years, so parang in a way, we both benefitted from the partnership because for me, it’s a partnership more than anything and it’s a friendship. And sa friendship, pareho kayong nagbe-benefit du’n. It’s not a one-way street.”
Sa bintang na naggagamitan sila ni Dominic, ayon kay Bea ay hindi raw niya ito ma-gets.
“So, ibig sabihin, kapag nagka-dyowa ako, ginagamit lang ako or ginagamit ko? Hindi ko gets ‘yun,” sey niya.
“Sana, maging okay ka kasi okay kaming lahat,” mensahe niya sa nagpadala ng rude comment.
Isa pang batikos na tinawanan lang ni Bea ay nakakairita raw ang kanyang boses kaya huwag nang magpilit kumanta.
“True rin naman,” tumatawa niyang pag-amin. “Ako rin naman, ayokong kumanta. Pero ganu’n talaga ang buhay. It’s part of the job, so pasensiya na.”
Naging seryoso naman ang aktres sa isang mean comment na may kulubot na siya at matanda na para kuning endorser.
“Actually, alam mo, dapat talaga ngayon, it’s about time na tigilan na ng mga tao na mag-shame ng mga tao na nagkakaedad. I am 34 years old, I’m about to turn 35 this year and I am proud of it. And I am taking care of myself as much as I can. I exercise, I eat healthy. And parang feeling ko, proud ako sa hitsura ko at 34 years old.
“And kung kinuha ako ng certain brand, that was actually very flattering for me. Kasi, hindi ko naman ipinilit ‘yung sarili ko para kuhanin nila ako, 'di ba? So, I’m proud of it.
“And let’s stop shaming people for their age. It’s 2022!” pahayag ni Bea.
In fairness naman sa aktres, hindi siya nagpakita ng pagkapikon kahit na ang sasakit na ng mga komento ng bashers at ‘yung tipong sobrang nakakainsulto na talaga.
Biro nga niya, akala raw niya ay iiyak siya sa masasakit na comments pero keri naman daw pala.
Sey pa niya, kahit maraming negative comments sa kanya, mas marami pa rin ang positive and thankful daw siya for this but at the same time ay ina-acknowledge niya ang mga kahinaan at pagkakamali niya.





Comments