top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Ex-leading man, ipinagpe-pray na lang daw… TONI, WALANG MAGAWA PARA KAY VHONG

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 18, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 18, 2022



Busy as a bee si Toni Gonzaga sa pagtatapos ng 2022. Bukod kasi sa mayroon siyang bagong show sa AllTV at pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2022 this December, ang My Teacher, naghahanda rin siya para sa kanyang 20th anniversary concert na gaganapin sa January 20, 2023 sa Smart Araneta Coliseum.


Humarap si Toni kahapon sa isang face-to-face media conference para sa nasabing anniversary concert simply titled I Am. . .Toni at excited na excited siya dahil ito rin ang kanyang comeback concert after a very long while.


“I’m so grateful na makarating sa ganitong milestone ng ating journey dito sa industry and I’m also very excited to celebrate it with everyone,” simula ni Toni.


Eksaktong birthday pa niya ang date ng concert at isa raw ito talaga sa mga dreams niya.



“It’s a celebration of milestones, of journeys, of the ups and downs, the learnings, and parang where I came from, where I am today and where my life is heading after 20 years,” sey ni Toni.


Sa nakalipas na 2 dekada ay marami na ring pinagdaanan si Toni at malaki na rin ang naging pagbabago sa kanyang buhay simula noong nagsisimula pa lang siya.


Ngayon ay isa na siyang successful TV host, producer, a wife and a mother sa kanilang anak ni Paul Soriano na si Seve.


When asked kung ano ang hindi niya puwedeng bitawan sa mga ito, ayon sa singer-TV host-vlogger, ito ay ang kanyang pamilya.


“Lagi ko namang sinasabi, the only time I will retire in the business is when my son or my husband or my immediate family tells me. ‘Yun siguro ang makakapagpa-resign sa akin.


Kapag naaapektuhan na sila, ‘pag alam na nilang it’s not healthy for me, that it’s not doing well for me, ‘yun ang mga opinions


that I truly value. Siguro ‘yun, I will consider retiring in the business,” she said.


Alam din naman ng lahat na isa sa mga early movies ni Toni ay ang D’Anothers with Vhong Navarro na naging blockbuster din sa takilya noong panahong ‘yun.


Kaya naman natanong din si Toni kung ano ang nararamdaman niya sa mabigat na pinagdaraanan ngayon ni Vhong na as we all know ay kasalukuyang nasa piitan pa rin.


“I continue to pray for him just like all of us in the industry. We’re continuing to pray for him, we’re wishing him of his safety, of course. Sana ano talaga, mapabilis talaga ‘yung nangyayari (proseso ng kaso) para matapos na,” aniya.


Of course ay nalungkot din daw siya sa nangyari sa dating leading man.



“Siyempre, hindi mo maaalis ‘yung lungkot, but ayun, wala naman tayong… ako, for me, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, but just prayers for now,” aniya.


Anyway, natanong din si Toni kung sinu-sino ang mga guests niya sa kanyang birthday concert at ayaw daw muna niyang i-divulge dahil surprise na ‘yun.


Naitanong nga kung magge-guest ba si Piolo Pascual na naging malaking bahagi rin ng kanyang career, pero ayaw niyang sabihin dahil sorpresa na nga lang daw.


Matatandaang nagsimulang makilala si Toni nang gawin niya ang Sprite TV commercial with Piolo kung saan ay sumigaw siya ng “I love you, Piolo!”


Basta sa concert daw ay makikita ang summary ng kanyang buhay mula noon hanggang ngayon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page