Ex-GF ni Klea, ‘di makapaniwala… CHEZKA CARANDANG, NAG-PROPOSE KAY KATRICE KIERULF
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 17, 2026

Photo: IG @richardgutz & FB Angel Locsin
Sa isang panayam, ibinahagi ng Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0 (PBBCCE) na si Caprice Cayetano kung paano niya nakita ang kanyang personal na pagbabago matapos ang kanyang journey bilang housemate.
Sa panayam ay ibinahagi ni Caprice na nao-overcome na niya ang dati niyang ugali na pagiging mahiyain.
Saad ni Caprice, “Nakita kong change talaga is mas naging expressive po talaga ako sa mga friends ko, sa family, and ‘yung pagiging mahiyain ko rin, nao-overcome ko na s’ya.
“Medyo nandu’n pa rin, pero mas nakakapag-adjust agad.
“Marami rin akong naging kaibigan. ‘Yun din talaga ‘yung gusto kong madala ko outside kasi before entering, gusto ko talagang magkaroon ng friends, mas makilala ko ‘yung sarili ko, makapag-bond with a lot of people.”
SA gitna ng isyung may isang Lopez diumano ang gustong ipasara na lang ang ABS-CBN, buong-tapang na ipinahayag ng aktor na si Coco Martin at ng kanyang girlfriend na si Julia Montes ang kanilang matibay na suporta sa network at sa mga pagpapahalagang patuloy nitong itinataguyod sa kabila ng mga hamon na kinakaharap nito.
Saad ng CCM Film Productions sa post nila, “Coco Martin at Julia Montes, naniniwala sa muling pagbangon ng ABS-CBN.
“Ang ABS-CBN ay tahanan ng mga pangarap, kuwento, at pag-asa ng milyun-milyong Pilipino. Sa kabila ng matitinding pagsubok na pinagdaanan ng ABS-CBN, kami ay kasamang lumalaban, ‘di lang para sa aming sarili, kundi para sa bawat Pilipinong nagtitiwala at patuloy na sumusuporta.
“Sa lahat ng pinagdadaanan ng ating Kapamilya Network, palagi tayong makikiisa sa laban at maniniwala sa pinaninindigan.
“Sa bawat hamon, mas lalong tumitibay. At sa bawat pagsubok, mas lalo nating pinanghahawakan ang ating layunin - ang maglingkod, magbigay-saya, at maghatid ng kuwento ng bawat Pilipino.
“Naniniwala kami na muling babangon ang ABS-CBN.
“Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, tiwala, at suporta. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy kaming lumalaban, mga Kapamilya.”
Mabuhay, Kapamilya!
BUKOD kina Coco at Julia, nagpahayag din ng suporta si Robi Domingo sa ABS-CBN.
“I stand with ABS-CBN,” ang pahayag ng mahusay na TV host na si Robi Domingo sa kanyang Instagram (IG) post.
Saad ni Robi, “Some moments don’t just pass, they stay with you. It has never just been about work, but about belonging to a family of thousands and to Filipinos all over the world.
“Through every challenge, it continues to rise with quiet strength and purpose. The Kapamilya spirit lives on in its resilience, humility, and unwavering commitment... to be in the service of the Filipino.
“I’m grateful to be part of this family. I am a Kapamilya. I stand with ABS-CBN.”
Sa comment section ng post ni Robi Domingo ay marami ang nagpahayag ng pagsuporta sa ABS-CBN at isa na nga po si yours truly.
SWEETNESS overload ang ibinahagi ng content creator at commercial pilot na si Chezka Carandang sa kanyang Instagram (IG) post nang mag-post siya ng video clips mula sa kanyang romantic proposal para sa partner na si Katrice Kierulf.
Si Katrice ang ex-girlfriend ni Klea Pineda, na ngayon ay rumored dyowa naman ni Janella Salvador.
Saad ni Chezka, “You deserve to be loved deeply and intentionally, in ways that meet your depth and go beyond it. There’s a gentleness in it that feels rare. I’m honored to love you. With respect, admiration, and devotion, I am yours… & you are mine @katricekierulf.”
Sa comment section ng post ni Chezka ay nagpahayag ng saloobin si Katrice.
Saad ni Katrice, “I’ve been replaying this nonstop and it still doesn't feel real? The way you love me is so pure and genuine, and you deserve to receive that kind of love too. I’m yours, always.. and you're mine.”
Dagdag pa ni Katrice, “Mga 10000x (times) ko pinanood ‘to. Hahaha!”
Anyway, isang malaking congratulations sa inyo, Chezka Carandang and Katrice Kierulf.




Comments