top of page

Ex-GF ng anak na si Jimuel... HEAVEN, NANGUTANG NG P100 K KAY SEN. MANNY, KUMALAT, JINKEE PUMALAG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2020
  • 3 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 14, 2020


ree

Lumaki na nga ang isyung nangutang daw si Heaven Peralejo ng pera kay Boxing Champ Manny Pacquiao na nagkakahalagang P100,000.00. Ibinuking ito ng veteran entertainment columnist/talent manager na si Lolit Solis sa kanyang Instagram account last Saturday at ang dami agad nag-react na fans.


Katakut-takot na pamba-bash na agad ang naranasan ni Heaven na sa mga hindi nakakaalam ay ex-girlfriend ng anak ni Pacman na si Jimuel Pacquiao.


“May balitang humingi raw ng tulong si Heaven Peralejo kay Champ Manny Pacquiao, Salve. Dating BF ni Heaven ang anak na lalaki ni Champ Manny kaya at least, magkakilala sila, pero ang hindi maganda at baka malagyan ng malisya, 'yung kay Champ Manny nag-text si Heaven.


“Sana, dahil isa siyang babae, kay Mama Jinkee siya humingi ng ayuda para hindi lagyan ng malisya ng makakaalam. Napakabait naman ni Mama Jinkee dahil binigyan niya ng P100K financial na tulong si Heaven.


“Sa panahon ngayon, talagang dapat lang na 'pag medyo kakilala mo at maaaring makatulong sa iyo, lapitan mo. But sana, kung babae ka, sa babae ka humingi. 'Pag lalaki, sa lalaki ka naman mag-text.


“Ganu'n ang protocol, hah-hah, kasi 'pag lalaki at sa babae nag-text, puwedeng magkaroon din (ng) malisya. Dapat talagang magpasalamat ni Heaven kay Mama Jinkee, bongga, ha, P100 K agad ang padala. Laking tulong na 'yun, dami nang mabibili,” ang pagbabahagi ni 'Nay Lolit.


Kahapon ay may bagong post si 'Nay Lolit at ipinatatanggal daw sa kanya ni Jinkee ang post dahil nga sa violent reactions ng netizens kay Heaven.


“Sobra talaga sa bait si Mama Jinkee Pacquiao, Salve. Akala ko naman dahil na-blind item na 'yung issue ni Heaven Peralejo kay Fashion Police, balewala na kung ilagay ko sa IG.


“Masyadong na-bother si Mama Jinkee dahil sa negative reaction ng iba sa ibinigay niyang tulong na P100 K kay Heaven kaya gusto niya na alisin ko ang post ko tungkol dito.


“Never ako nagbura ng post kasi nga pinapanindigan ko ang bawat sabihin ko.


“Gusto ko lang purihin 'yung kabaitan ni Mama Jinkee na agad tumulong kay Heaven kahit pa nga kay Champ Manny siya nag-text para magpatulong.


“Wala namang masama humingi ng tulong, lalong maganda naman 'yung gesture na nagbigay-tulong ka. Siguro nga, kaya lang naging negative, dahil na rin sa pagpapakita ni Heaven sa social media ng kanyang lifestyle, 'yun ang naging reaction ng mga tao. Kung hindi naman siguro akala ng tao okay siya financially, hindi sila magugulat na humihingi siya ng tulong. So sorry na ganu'n pala karami ang nagri-react sa IG ko, 'kalokah talaga.


“So, sorry sa naging reaction ng marami,” ang bagong post ni 'Nay Lolit kahapon.


To the rescue naman ang manager ni Heaven na si Ogie Diaz at nilinaw kay 'Nay Lolit na imposible raw na magkaroon ng financial problem ang alaga dahil sa dami ng naisara niyang endorsements.


Again, ibinalita ito ni 'Nay Lolit kahapon sa kanyang IG.


“Hindi ko talaga akalain na ganu'n ang reaction sa issue ni Heaven Peralejo. In fairness sa kanya, heto si Ogie Diaz at nagpaliwanag na imposible na magkaroon ng problema financially si Heaven dahil sa dami ng naisara niyang endorsements para rito.


“Sabi pa nga ni Ogie na kahit pa siguro medyo magtagal ang pandemic, kahit paano, merong naitabing pera si Heaven at hindi niya ma-imagine na hihingi ito ng tulong para sa pera.


“Ewan ko naman kung bakit issue ang P100 K na 'yan na kung iisipin mo nga naman, siguro, madali ring kitain ni Heaven sa trabaho. Tulad nga ng sabi ni Ogie na katatapos pa lang gawin ni Heaven ang isang endorsement,” ang bahagi ng post ni 'Nay Lolit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page