Ex-GF, matagal na raw dead na dead sa singer... IÑIGO, HAPPY PARA KAY MARIS NA BF NA SI RICO BLANCO
- BULGAR
- Mar 30, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 31, 2021

"Masaya ako," ang reaksiyon ni Iñigo Pascual sa rumored romance nina Maris Racal at Rico Blanco.
Sa interbyu nina Bianca Gonzales at MJ Felipe sa kanilang digital show titled Pop Cinema, sabi ni Iñigo, masaya siya kung totoo ngang may relasyon ang ex-girlfriend na si Maris at ang vocalist ng Rivermaya na si Rico.
“Wala pa naman akong masasabi pa, wala pa namang nagko-confirm or anything. For me, kung sila, masaya ako kasi siyempre, alam ko kung gaano kaidolo ni Maris ‘yun,” sambit ng anak ni Piolo Pascual.
“Kung ano man ‘yung balita, siguro we should all just be happy for them if they are together, kasi love is love, and it’s a beautiful thing. And there’s so many people na in love na ganu'n din ‘yung sitwasyon, so if ever man, let’s be happy for them, wishing them all the best,” dagdag pa nito.
Naalala pa nga raw ni Iñigo nu’ng sila pa ni Maris, lagi raw inire-request ng young actress-singer na kantahin niya ang mga kanta ni Rico.
Kuwento ng young singer, “Noong love team kami ni Maris, talagang as in, ipinapakanta sa akin ‘yung mga kanta ni Rico. So, with them being friends, and the fact na nagka-collab sila dati, sobrang supportive ako ru'n. Kino-congratulate ko siya dahil alam kong sobrang idol niya ‘yun."








Comments