Bagong GF, close na sa mga utol… KAILA AT DANIEL, MAGKASAMA SA BORACAY
- BULGAR

- 7 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | November 5, 2025

Photo: FB Kaila Estrada
Masaya ang KaiNiel fans nina Kaila Estrada at Daniel Padilla sa sunud-sunod na ‘ayuda’ o post na nagpapakilig sa kanila.
After ng Halloween party, magkasama uli ang dalawa na nagbabakasyon ngayon sa Boracay. Kahit wala pang lumalabas na larawan na magkasama sila, sapat na sa mga fans na malamang ay magkasama sila.
Ayon sa kuwento ng staff ng Caticlan Airport, naunang dumating si Daniel at matapos ang dalawang oras, dumating naman si Kaila kasama ang kapatid ng aktor na si Magui. Isa pa ito sa ikinatutuwa ng mga fans dahil mukhang close ang aktres sa mga kapatid ni Daniel.
Ang wish ng KaiNiel fans, magtuluy-tuloy ang magandang relasyon ng dalawa. Pakiusap nila, isapubliko na nila ang kanilang relasyon para 100% na silang masaya.
Tuluy-tuloy na raw ito hanggang Pasko, Bagong Taon, at hanggang Valentine’s Day sa 2026.
May mga fans si Daniel na nagpapasalamat kay Kaila dahil sa pagdating nito sa buhay ng aktor. Hindi na raw ito nag-iisa at hindi na malungkot, may nagpapasaya at nagmamahal na sa kanya.
May kontrabida namang nag-comment na hindi puwedeng magkatuluyan sina Daniel at Kaila dahil pareho silang Estrada. Ito ay dahil sa ina ng aktor na si Karla Estrada, na agad namang sinagot ng fan ni Daniel.
Ang tatay ni Kaila na si John Estrada ang tunay na ‘Estrada’ dahil si Karla, ang tunay na apelyido ay Ford at pang-showbiz lang ang paggamit ng ibang apelyido.
Kampo ni Will, suspek…
DUSTIN, PINAGBABANTAANG PAPATAYIN DAHIL KAY BIANCA
MAY reaksiyon ang mga fans ni Dustin Yu sa pagkondena ni Will Ashley sa mga bashers na walang tigil sa pamba-bash at pagpapadala ng online hate messages sa kanya at sa mga kasamang housemates sa Pinoy Big Brother (PBB).
Kahit walang binanggit na partikular na pangalan si Will sa kanyang pag-call out, nag-react ang mga fans ni Dustin. Lumalabas daw na galing sa mga fans nito ang death threats na ipinukol kay Will.
Mas masahol daw ang pamba-bash kay Dustin ng mga fans ni Will at nakatanggap din ng death threats. May nabasa kaming post mula sa isang nagpakilalang fan ni Will na nagsabing kapag nakita nila si Dustin, bubugbugin nila dahil inagaw daw si Bianca. Kikidnapin din daw nila ang aktres.
May nagbanta pa na kaya raw nilang ipapatay si Dustin para sina Will at Bianca ang maging magka-love team at magkatuluyan.
May nag-post din na sana, mamatay na lahat ng pamilya ni Dustin at sinundan pa ng “Isang bala lang daw si Dustin.”
Grabe ang mga fans ng dalawang kampo, pagrabehan ng bashing at ang tatapang. Tama ang isang comment na kapag may nasampulan ng demanda, iiyak ang mga matatapang na ‘yan.
Sana raw, agad pumasa ang Emman Atienza Bill na inihain ni Senator JV Ejercito para matigil na ang online hate and harassment.
Pinanawagan din ng mga fans sa Sparkle GMA Artist Center na gumawa ng hakbang para matigil ang online fan war ng mga fans nina Will Ashley at Dustin Yu dahil pati pamilya ng dalawa, nadadamay na.
Bagong suitor, baka ‘di raw sila kayang buhayin…
CLAUDINE: PERA, ‘DI MAGIGING ISYU SA AMIN NI MILANO
MAY reels video post si Claudine Barretto kay Milano Sanchez na nagko-coach ng pickleball at ang caption ni Claudine ay “Hey, Coach Milano,” with matching red heart emoji na kinilig ang mga fans.
Ang isa pang ikinatuwa ng mga fans ay ang comment ng anak ni Milano na, “Go, Dad!” at ang sagot ni Claudine na, “Hi, Tyra,” na may kasamang red heart emoji.
Hindi ipinakita kung sino ang tinuturuan ni Milano na maglaro ng pickleball, malamang si Claudine. Kaya huwag na tayong magulat kung isang araw ay may hawak na ring pickleball paddle ang aktres at naglalaro na rin siya nito.
Mas maganda pa kung silang dalawa ang maglalaro, mas sweet daw, sabi ng mga fans ni Claudine.
Kung marami ang kinikilig sa nagsisimulang relasyon nina Claudine at Milano, may ayaw naman kay Milano para sa aktres. Hindi naman sinabi kung bakit, basta nag-comment lang ang netizen ng ‘‘‘Wag na ‘yan Clau.”
May nag-comment din na kinukuwestiyon ang financial status ni Milano. Ano raw ang business nito aside from being a coach? May apat na anak daw si Claudine at malaking responsibilidad ito, at may mga anak din si Milano.
Sumagot si Claudine ng “Thank you for your concern, but money will never be an issue.”
Magalang ang sagot ni Claudine sa nag-comment, pero ang mga fans nito ang nag-react. Judgemental at pakialamera raw si ate girl at pati ‘yun ay pinakikialaman.
Bakit daw hindi na lang maging masaya para kay Claudine Barretto? She deserves to be happy, at kung si Milano Sanchez ang magpapasaya sa kanya, bakit may mga nakikialam?








Comments