Bagong BF, soulmate raw… RITA: MCLAUDE, PERFECT ONE FOR ME
- BULGAR

- 7 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | November 5, 2025

Photo: IG _missritadaniela
Buong-ningning na ibinandera ni Rita Daniela ang bago niyang boyfriend sa kanyang Instagram (IG) post kahapon.
Sobrang tamis ng mga larawang ipinost ni Rita with her basketball player boyfriend na si Mclaude Guadana.
May nakakakilig na palitan nila ng mga notes na nakasulat sa picture na best describes kung ano ang nararamdaman nila sa isa’t isa sa sandaling iyon.
Mayroon ding video kung saan makikita ang paghalik ni Mclaude kay Rita.
Sa unang picture, makikita na nagtatawanan sina Rita at Mclaude at may nakasulat na: “He makes me laugh so effortlessly,” at “My heart smiles when she smiles.”
Sa next picture, ini-reveal ni Rita na naka-tatlong beses na silang nag-date ni Mclaude.
Sa sumunod na picture naman, tila nagpaplano na sila na ma-meet ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.
Mayroon ding picture kung saan tinawag ni Mclaude si Rita na, “My best actress.”
Sagot ni Rita, “This guy,” na may arrow na nakaturo kay Mclaude, “He’s the perfect one for me.”
Bumaha ng red hearts sa comment section ng IG post ni Rita mula sa kanyang mga showbiz friends at followers.
Sa caption, tinawag ni Rita si Mclaude bilang kanyang soulmate.
Caption ni Rita sa kanyang IG post kahapon, “Souls found their mate (white & black heart emoji).”
So, soulmates ang feeling nila sa isa’t isa.
Well, let’s see…
DOUBLE WIN ang iniuwi ng sikat na aktres na si Arci Muñoz at direktor na si Nijel de Mesa sa bansa.
Si Arci ay nagwagi sa katatapos lang na 20th Asia Model Festival (AMF) sa Seoul, South Korea.
Kabilang na ngayon si Arci sa hanay ng mga natatanging aktor tulad nina Jung Ho Yeon (Squid Game) at Song Joong-ki (Descendants of the Sun) na nanalo rin ng kaparehong award. Sina Arci at Direk Nijel ay ang mga producers ng NDM Studios.
Habang nasa South Korea ang aktres para tanggapin ang award at mag-shooting ng reality show na Kumusta with K-drama actor Ji Chang Wook, nasa Singapore naman si Direk Nijel de Mesa para maglunsad ng NDM Plus.
Ang NDM Plus ay ang official global streaming platform ng NDM Studios. Inilunsad ito kasabay ng pagdiriwang ng 25th anniversary ng NDM Studios sa katatapos lang na NDM Expo sa Singapore.
Sari-saring palabas ang mapapanood sa streaming platform na NDM Plus — may award-winning films, travel and lifestyle, animation, horror, romantic comedy, at red-band anthology series, kabilang na ang ilang Japanese at Chinese series.
Lahat ng ito ay matagal nang hinihintay ng publiko dahil limang taon din itong binuo ni Direk Nijel kasama si Arci at ang mga creatives ng NDM Studios.
Kinilala si Direk Nijel bilang kauna-unahang Pilipino na naglunsad ng isang global streaming platform sa Singapore.
Dumalo sa okasyon ang ilang artista sa Singapore, ang OFW community, mga executives ng Sony Pictures Asia, at maging si Vice-President Sara Duterte.
Heto pa, mapapanood na rin sa wakas ang award-winning movie nina Arci, Kiray Celis, at Janelle Tee na Malditas in Maldives (MIM). Mapapanood din ang Coronaphobia na pinagbibidahan nina Daiana Menezes, Will Devaughn, Paolo Paraiso, at marami pang iba sa NDM Plus.
Para mag-subscribe, magtungo lamang sa NDM Plus website.








Comments