Ex-GF, ipinahanap para matulungan… COCO, ISASAMA SA BQ SI KATHERINE LUNA
- BULGAR

- Mar 3, 2025
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Mar. 3, 2025
Photo: Katherine Luna at Coco Martin - Instagram, Julius Babao YT
Ipinahahanap ni Coco Martin si Katherine Luna upang isama umano sa Batang Quiapo (BQ).
After na mapanood daw ng actor ang interbyu ni Julius Babao kay Katherine sa Unplugged YouTube (YT) Channel, agad niyang naisip na tulungan ang dating katrabaho at naging karelasyon pa umano niya.
Hindi nagdalawang-isip ang actor-direktor na ipahanap si Katherine para mabigyan ng tulong.
Bukod sa planong isama sa BQ ang dating aktres ay ipapagamot pa niya ang kaliwang mata nito bago makabalik sa pag-arte. Hindi pa agad pumayag si Katherine dahil buntis ito ngayon.
Maraming humanga kay Coco sa kanyang malasakit sa dating GF kahit may hindi sila pagkakaunawaan.
Ibinulgar ng dating aktres na mayroon na siyang pitong anak at pabirong sinabi na nagtataka siya kung bakit ang dali niyang mabuntis.
Sa kabila nito, inamin niyang nais niyang bumalik sa pag-arte.
Ayon kay Katherine, pinili niyang umiwas noon sa isyu, lalo na nang lumabas ang resulta ng DNA test na nagsasabing hindi si Coco ang ama ng anak niyang si Nicole.
Dahil dito, mas pinili niyang ilayo ang anak upang maiwasan ang anumang maling akusasyon na ginagamit niya ang pera ng aktor.
Aniya, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari matapos lumabas ang balita.
Sa kasalukuyan daw ay hindi pa rin nakikilala ni Nicole ang kanyang tunay na ama.
Maraming mga netizens ang humanga sa aktor dahil sa patuloy na pagtulong sa mga taong minsan niyang nakasama, kahit pa nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon.
In fairness, si Katherine Luna ay isang mahusay na aktres.
Ipinagkalat daw ang sa kanila ni Sam, in-unfriend na… XIAN KAY MOIRA: ANG DALDAL MO KASI
NAG-REACT si Xian Gaza sa hindi pag-follow ni Sam Milby kay Moira Dela Torre.
Ishinare ni Xian ang attention-grabbing Facebook (FB) post ng Fil-Am actor tungkol sa kanila ni Moira.
Umani ng napakaraming reaksiyon sa FB ang post na ito ng tinaguriang “Pambansang Marites”.
Reaksiyon ni Gaza, “Ang daldal mo kasi, beh.”
“Ngano man giannounce nimo beh (why did you announce it? Mali ‘yon),” ani pa ni Xian.
Ito'y may kaugnayan sa isyung ipinagkalat diumano ni Moira na may intimate na nangyari sa kanila ni Sam.
Kamakailan lang ay may nasabi naman ang aktor sa isang panayam na friendship over na nga sila ni Moira.
Although, pinabulaanan ni Sam na si Moira ang cause ng breakup nila ng beauty queen girlfriend.
“It’s an issue that’s really sensitive,” pakli pa ni Sam Milby.
LIVE ang A.S.A.P. kahapon, Sunday, dahil 30th anniversary ng long-time variety show ng ABS-CBN.
Nasa audience ang mga bosses ng Kapamilya Network at personal na nakisaya sa A.S.A.P. celebration party na pinangunahan nina Ms. Cory Vidanes, President Carlo Katigbak, Louie Andrada, Direk Lauren Dyogi, etc..
Personal namang nagbigay ng mensahe ang original na nag-form ng A.S.A.P. na si Direk Johnny Manahan na mas kilalang Mr. M.
Hindi mapigilang mapaluha ni Pops Fernandez, ang isa sa mga hosts ng A.S.A.P. noon, habang nagbibigay ng touching message si Mr. M sa inabot na 30 taon ng Sunday variety show.
Hanggang matapos magbigay ng mensahe si Mr. M ay panay pa rin ang tulo ng luha ni Pops.
Hindi nakalimutang bigyan ng importansiya ni Mr. M si Martin Nievera na siyang naging katuwang niya sa pagbuo ng A.S.A.P..
Pinasalamatan din ni Pops sina Ariel Rivera at Dayanara Torres na naging parte rin ng programa at maging si Sir Deo Endrinal (RIP).
May continuing celebration ang A.S.A.P. para sa mga OFWs na nasa ibang bansa.
Sa August 30 ay nasa Birmingham, England ang grupo para bigyan ng kasiyahan ang mga Briton at mga Pinoy na nagtatrabaho roon.






Comments