Ex-GF, inaming gusto pa rin… JOSHUA, SHOCKED SA KASALANG JULIA-GERALD
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 27, 2023

Sobrang saya ni Joshua Garcia na mapasama sa Unbreak My Heart series na first collaboration ever ng GMA-7 and ABS-CBN.
Actually, lahat naman ng cast ay sobrang happy and thankful na mapabilang sa proyekto which will go down sa history ng TV industry.
"Sobrang saya ko. I'm more than blessed to be here, to be part of this project, and hopefully, hindi lang ito 'yung magawa ko sa collaboration na 'to," sey ni Joshua sa grand mediacon ng Unbreak My Heart na ginanap sa Seda Vertis North Hotel last Thursday.
Dagdag pa niya, "I'm grateful to be part of this historical event, this partnership. And masaya lang talaga ako. Ine-embrace ko lang siya na parte ako nito. Nu'ng una, kinakabahan ako, siyempre. Na-excite ako, mixed emotions. Pero ngayon, masaya na lang ako and ine-embrace ko na lang kung ano'ng nangyayari sa akin."
Nagpapasalamat din ang aktor na pagkatapos ng epekto ng pandemic sa showbiz ay nandito pa rin siya at patuloy na gumagawa ng mga magagandang proyekto.
Sa nasabing serye ay may mga kissing scenes siya with both leading ladies na sina Jodi Sta. Maria at Gabbi Garcia, kaya natanong siya kung ano ang ipinagkaiba ng halik niya sa dalawang aktres.
"Magkaiba 'yung atake. With Jodi, mas passionate, mas mabagal, mas ramdam. With Gabbi, passionate rin naman, pero 'yung tugma naman siya sa edad natin," sabi nito.
Samantala, nahingan din ng reaksiyon si Joshua sa balitang ikakasal na ang ex-girlfriend na si Julia Barretto sa boyfriend nito ngayon na si Gerald Anderson at halatang hindi aware ang aktor sa tsikang ito.
"Oh, they're planning to get married?" tanong ni Joshua. "Hindi ko alam, bago sa akin 'yan.
Ngayon ko lang narinig 'yan."
Pagpapatuloy ng aktor, "Kung saan sila masaya, support ako ru'n."
Matagal na raw silang hindi nagkakausap ni Julia at pareho na rin daw silang busy sa kani-kanilang career.
When asked kung willing ba siyang makatrabahong muli ang ex-GF, game naman daw siya.
"Kung meron man, siya 'yung unang-unang pumapasok sa isip ko talaga," sey niya.
Sa tanong kung kumusta ba ang kanyang puso ngayon, sagot niya, "Masaya ako ngayon. In love ako sa trabaho ko ngayon, very in love."
Directed by Emmanuel Quindo Palo and Dolly Dulu, Unbreak My Heart premieres on May 29 and airs from Mondays to Thursdays at 9:35 PM on GMA Telebabad, Pinoy Hits, I Heart Movies, and 11:25 PM on GTV. It is also available on GMA Pinoy TV and TFC.





Comments