Ex-GF, easy to get daw kaya pinagsawaan agad… MATURE NA NON-SHOWBIZ GIRL, IPINALIT NI KOBE KAY KYLINE
- BULGAR

- Apr 14, 2025
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 14, 2025
Photo: Kobe Paras - Instagram
Patuloy ang paglutang ng bali-balitang break na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Itinatanggi naman ito ng kampo ng aktres at wala pang official statement tungkol sa breakup nila.
Gayunpaman, ipinagtataka ng mga fans kung bakit binura na ni Kobe ang mga larawan nila ni Kyline sa kanyang mga social media accounts. Kaya marami ang nagsasabi na 80% sure na tapos na ang relasyong Kobe at Kyline.
Balita na rin ngunit hindi pa kumpirmado na ang ipinalit ni Kobe kay Kyline ay isang mas mature na non-showbiz girl.
Well, may mga netizens ang nagsasabing umiral na naman ang pagiging chickboy ni Kobe Paras. Nagsawa na raw ito kay Kyline kaya naghanap na ng bago.
Ikinukumpara tuloy si Kobe ngayon kay Gerald Anderson na magaling lang mambola at magpaasa ng babae. Ang dali raw kasing napasagot ni Kobe si Kyline Alcantara. At sobra-sobrang pagmamahal ang ibinigay ng Kapuso actress. Hindi na-challenge si Kobe dahil hindi siya pinahirapan nang husto ni Kyline.
Pero tiyak na magtatanong ang mga fans ng aktres kung bakit ganoon lang kadali tumagal ang relasyong KyBe? Sino ang dapat sisihin?
Kaya todo-resbak kay Dennis… MARJORIE, TAKOT MAGING NEGA AT MATALONG KONSEHAL
MARAMING netizens ang naghihinala ngayon na kaya hindi na pinalagpas ni Marjorie Barretto ang pag-iingay ng kanyang dating mister na si Dennis Padilla sa nangyaring kasal ng anak nilang si Claudia Barretto ay dahil natakot ang dating aktres na maging nega siya sa mga residente ng Caloocan kung hindi niya maidedepensa ang sarili.
Tumatakbong konsehal ng Caloocan si Marjorie at malaking epekto nga naman sa kanyang kandidatura kung iisipin ng mga botante na minamanipula niya ang kanyang mga anak kaya nawalan ng papel si Dennis sa kasal ni Claudia.
Pero kahit na nilinaw na ni Marjorie na hindi niya bine-brainwash ang mga anak na magalit kay Dennis, marami pa rin ang naniniwala na bilang ina, siya ang dapat na maglapit ng loob ng mga anak sa ama ng mga ito.
Ikinukumpara tuloy si Marjorie kay Sunshine Cruz, na bagama’t hiwalay na rin sa dating mister na si Cesar Montano ay naging malapit ang loob ng 3 nilang anak sa kanilang ama.
Hindi kailanman siniraan ni Sunshine si Cesar sa kanilang mga anak. Ibinigay pa rin nila ang nararapat na respeto sa kanilang ama.
Ngayong midterm elections ay tumatakbong konsehal sa First District ng Caloocan si Marjorie Barretto. Let’s see kung papabor pa rin sa kanya ang mga botante ng Caloocan.
MARAMI ang nagpapayo kay Barbie Forteza na dapat ay kumuha na siya ng sarili niyang glam team, lalo na’t sikat na siya ngayon.
Marami ang nakakapansin na medyo conservative pa rin kung manamit si Barbie at hindi siya gaanong concerned sa glam team na mag-aalaga sa kanya tuwing may event siyang pupuntahan.
Kaya naman pinipintasan at bina-bash si Barbie dahil sa “old style” niyang wardrobe.
Hindi raw nababagay sa kanyang stature ang style ng kanyang mga damit.
May kinikita naman daw si Barbie, kaya dapat ay may budget din siya sa kanyang wardrobe na sunod sa uso.
Big star na si Barbie, kaya deserve niya na magkaroon ng sariling stylist at make-up artist. Iniidolo pa naman siya ngayon ng maraming kabataan kaya dapat ay presentable ang kanyang hitsura at total look.
DUMARAMI na ang endorsements ng Mommy Grace ni Miguel Tanfelix, na karamihan ay mga produktong ginagamit sa pagluluto. Damay sa kasikatan ni Miguel ang kanyang mom na patok ang cooking vlog.
Marami rin ang naaaliw sa tandem ng mag-inang Grace at Miguel. Sa halip na ang nobyang si Ysabel Ortega ang makasama niya sa commercial, mas pinili ng mga netizens ang mom ni Miguel. At hindi sila makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.
May sarili na ring career ngayon ang Mommy Grace ni Miguel Tanfelix.










Comments