top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Ex-GF daw talaga ang may problema dahil iniwan si Dominic… GERALD, VINDICATED SA PANGGO-GHOSTING KAY BEA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2024
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | February 15, 2024



Vindicated nga ba si Gerald Anderson sa naging pagtatapos ng relasyon niya kay Bea Alonzo?


Sa nangyari kasi kina Bea at Dominic Roque, lumalabas nga ang isyu na si Bea diumano ang may problema sa kanyang mga nakakarelasyon.


Yes, mga Ka-BULGAR, kahit masaya na ang love life ni Gerald ngayon with Julia Barretto, nasangkot at nabanggit pa rin ang name nito bilang huling naging boyfriend ni Bea bago si Dominic.


At alam naman sa bawat sulok ng showbiz ang hindi magandang ending ng kanilang relasyon.


Kaya sa nangyayari ngayon kay Bea, may mga tao talagang siya ang sinisisi at binibigyan ng negative na reaksiyon ang pakikipaghiwalay nito kay Dominic.


Kaya ang analysis ngayon ng mga taga-showbiz, kung diumano'y sirang-sira si Dominic sa mga nangyari, ngayon naman ay tila nasisira na rin ang imahe ni Bea. For sure, may epekto ito sa kanyang career.


Basta ang sey ng aming mga sources, all-smiles lang at nasa isang tabi si Julia na nakamasid at tinatapik sa likod si Gerald. 


'Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page